"HAPPY BIRTHDAY, BIANCAFLORS!!" sabay-sabay na bati ng mga bisita sa mga anak nila ni Daniel. Luzille was very happy to see her children turned 1 today. Makikita rin ang kaligayahan sa mukha ng mga batang sina Leidan at Dazille, ang unang kambal, si Danzel na singleton baby boy, ang pangalawang kambal na sina Elliz at Einad, ang pangatlong kambal na sina Niel at Zille at ang bunso na kambal na sina Luzi at Dani.Luzille and Daniel has to work hard for their children's future because all in all they have 11 kids kasama si Agie.
"Happy birthday, brothers and sisters!"
Napalingon sila sa masiglang tinig na nagmula sa bahay. Nasa garden kasi sila ng Biancaflor mansion. Ito ang bahay na ipinatayo nila ni Daniel sa Antipolo kung saan naroon ang business nilang mag-asawa.
"Ate Agie!" Sinalubong ni Luziel ng yakap si Agatha na kadarating lamang galing sa paaralan.
"Hello, Ziel. Where's the birthday babies?"
Agad na itinuro ni Luziel ang kinaroroonan nila at ng siyam na bata na nasa kani-kanilang stroller.
"Mama, Papa." Kumaway ito sa kanila saka lumapit. "May tinapos po kami na activity sa school kaya nalate po ako ng uwi."
"It's okay, Agie. Tamang-tama lang ang dating mo. Your siblings are waiting for you." Nginitian niya ito saka hinagkan sa noo.
Hindi sila nagsisisi na inampon nila si Agatha. Nangako sila kay Nathalie na hindi nila papabayaan ang anak nito kapag may nangyari sa rito. Namatay si Nathalie dahil sa pagliligtas sa anak nito. One of Caroline's men shot her on the chest that caused her death. It was very painful for Agatha seeing her mother died in front of her.
Kinailangan ni Agatha magpatherapy dahil sa trauma na idinulot nang pangyayari. They never leave her alone. Tinuring na nilang parte ng pamilya si Agatha hanggang sa tuluyan na nilang ayusin ang pag-aampon rito.
Last month on Agatha's 10th birthday, they announced that their adoption was approved at siya ay isa nang tunay na Biancaflor. Walang kasing saya si Agatha dahil gustong gusto nito na kasama si Luziel at ang mga kapatid lalo na ang kambal na isinilang ng kanyang ina. She was a great big sister for their children. Wala na silang hihilingin pa.
Naoangiti siya habang pinagmamasdan ang mga anak nila ni Daniel na nakikipaglaro sa isa't isa. She never expected her life would be this happy. Akala niya noon dahil sa kakulangan niya ay hindi siya magiging masaya dahil hindi siya magkakaroon ng pamilya. Nagkamali siya.
Her family did everything for her to be happy. Her father did everything for her to have a good life and even preserved her eggs for her tonhave a fsmily in the future. Her twin sister sacrifice her womb for her to have her first child.
"What are you thinking, wife?" Nilingon niya si Daniel na papalapit sa kanya. Galing ito sa mga kaibigan nito.
"I am thinking how lucky I am to have this big family. It is so unexpected. Marami mang nangyari na hindi maganda sa atin nariyan pa rin iyong sinasabi nilang happy ending." She beamed at him. "Thank you, husband. Thank you for making my life this happy and contented."
Daniel pulled her closer.
"It's nothing compared to what your smile did to my life. You gave me hope with your smile, wife. I want to see those smile for the rest of my life kaya naman gagawin ko ang lahat para hindi mawala iyon. I love you so much, my wife. I love you and our kids." Ginawaran siya ng masuyong halik nito sa labi.
They shared a kiss just like the first time they did it. It was full of love at lust na din dahil ramdam niya ang pagkabuhay ng sandata nito.
"They're still busy with the kids, wifey." Alam na niya ang tinutukoy nito. Gusto nito ng mabilisang love making. This was their usual routine lalo na kapag kasama nila sa kwarto ang mga bata. Nakokontento sila sa isang quicky.
"Let's get inside," yaya niya rito saka hinila ito papasok sa back door ng kusina. Dumiretso sila sa isang guest room at doon ginawa ang binabalak.
THREE DAYS after ng magarbong kaarawan ng mga anak nila ay nagtungo sila sa correctional para sa monthly visit nila kay Caroline. Yes, Caroline is alive. Palihim nga lang ang pagbisita nila dahil iniingatan nila na malaman ni Agatha. Alam nilang hindi oa handa ang bata na harapin ang taong pumatay sa ina nito."How are you here, Caroline?"
Nakangiti niyang tanong sa babaeng nakaupo sa harap nila ni Daniel. Tulala ito at nakatingin lamang sa malayo.
"Pinipilit kong maging maayos. Pinipilit kong ipagpatuloy ang buhay ko. Pinipilit kong maging masaya pero mahirap gawin lalo na kung may isang bata na naulila dahil sa kasakiman ko." Tumingin ito sa kanila, puno ng pag-aalala ang mukha nito. "Kamusta na siya? Napatawad na ba ako ni Agatha?"
Hanggang ngayon inuusig pa rin si Caroline ng kanyang konsensiya dahil sa pagkamatay ni Nathalie. Alam nito na kasalanan nito ang lahat. Maraming buhay ang nalagay sa panganib nang dahil sa kagustuhan niya na magkaroon ng mapanghahawakan kay Daniel. Napatunayan din nila sa DNA testing na hindi nito anak sina Luzi at Dani. Hindi mapatawad ni Caroline ang sarili dahil sa nagawa kay Nathalie na ang tanging nais lang ay mailigtas ang anak nito.
"She's still recovering from the pain. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari sa Mama niya pero tinutulungan namin siya," tugon niya rito. "Mahirap para kay Agatha ang nangyari. Ang mama niya lamang ang meron siya sa buhay tapos nawala pa ang nag-iisang tao na kakampi niya at nagmamahal sa kanya. Hindi namin alam kung kailan ka niya mapapatawad pero ipapaunawa namin sa kanya ang lahat."
"Pinagsisisihan mo ba ang lahat ng ginawa mo, Caroline?" seryosong tanong ni Daniel rito.
Napatingin si Caroline kay Daniel. "Sobra-sobra kong pinagsisisihan ang lahat, Daniel. Akala ko babalik ka sa akin kapag nagkaroon tayo ng anak. Nagkamali ako. Minsan na tayong nagkaroon ng anak pero pinalampas ko ang pagkakataong maging ina ng anak mo. Sinayang ko ang pagkakataon na maging isang pamilya tayo. I have all the chances in life to be happy but I chose my career." Sa kabila ng pagsisisi ay ngumiti pa rin si Caroline. Tumingin ito sa kanya na may ngiti sa mga labi. "Masaya ako para sa inyo at sa pamilya niyo. Alam kong may dahilan ang Diyos kung bakit ko pinagdadaanan ang mga ito."
Napangiti siya sa sinabi nito. Malaki ang pinagbago ni Caroline mula noong huli nila itong binisita. Umiiyak lamang ito at humihingi ng tawad sa kanila lalong lalo na kay Agatha. Ngunit ngayon, matino na itong kausap at hindi na umiiyak. Nakikita niya rito ang matapang at matatag na babae. Masaya siya para kay Caroline.
"Gusto kong ibigay niyo ito kay Agatha." Inilapag ni Caroline ang isang envelope sa mesa.
Nang buksan ito ni Daniel ay kapwa napakunot ang kanilang noo. Mga papeles iyon na naglalaman ng paglilipat ni Caroline ng lahat ng yaman at mga assets sa pangalan ni Agatha.
"Are you serious with this, Caroline?"
"Nakausap ko si Nathalie bago siya pumayag sa plano ko. Sabi niya gagawin niya ang lahat para mabigyan ng marangya at maayos ng buhay ang anak niya kahit pa kumapit siya sa patalim. Doon ko nakita kung gaano niya kamahal ang anak niya. Alam kong hindi maibabalik ng mga yaman ko ang buhay ni Nathalie pero makakatulong ang lahat ng yan para matupad ang pangarap ni Nathalie para kay Agatha. Habang buhay kong pagbabayaran ang ginawa ko sa ina niya kaya kahit makalaya ako rito ay gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako."
Napabuntong hininga na lamang silang mag-asawa sa sinabi nito. Kahit papaano ay masaya sila na makitang nagbago na talaga si Caroline. Noong gabi na barilin nito si Nathalie ay puno ng galit ang mga mata nito ngunit nang makita niya ang paghihinagpis ng isang walong taong gulang na bata ay nakita nila ang awa, lungkot at pagsisisi sa mga mata nito.
Mahabang panahon pa ang bubunuin ni Caroline sa kulungan pero naniniwala sila na kapag nakalaya na ito ay magiging isang mabuting tao na ito. Malaki ang naging epekto ni Agatha sa pagbabago ni Caroline.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
BINABASA MO ANG
Sweet Escape
General FictionWhat if you woke up one day and you are no longer the person you knew you were? Everyone is calling you by other people's name. Paano kung ang buhay ng iyong kapatid ay mapunta sa iyo? At walang naniniwala sa iyo na hindi ikaw ang kapatid mo? How c...