29 - FOREVER

3.4K 111 3
                                    

 
"MOMMYY!! YOU'RE SO PRETTY!" nakangiting wika ni Luziel habang nakasaharap silang dalawa sa malaking salamin sa loob ng silid nila sa hotel.

Today is the day she'd been waiting for. Ang kasal nila ni Daniel. After ng mga naging problema sa resulta ng DNA nila ni Luziel naresolba din ang lahat sa tulong nina Victor at Maggie. She will be forever thankful to them.

Ngayon nga, makalipas ang isang linggo mula nang malaman nila na siya ang biological mother ni Luziel ay agad siyang niyaya ni Daniel na magpakasak. Biglaan ang lahat dahil gusto nito na masiguro na wala nang makakaagaw sa kanya rito. It's childish but sweet. It will be an intimate wedding. Tanging pamilya lamang nila at malalapit na kaibigan ang dadalo.

"We're both pretty, baby," wika niya sa anak saka ito niyaya na magtungo sa kabilang silid kung saan naroon ang kanyang kakambal at ang mga anak nito.

Double wedding nga pala ang mangyayari dahil ngayon din ang kasal nina Lynel at Luzia. Biglaan din ang pagpapakasal nila dahil kailangan nila ito para sa costudy ng kanilang mga anak.

"Are you ready, twinny?"

Napangiti siya ng muling marinig sa kakambal ang kanilang tawagan noong bata pa sila.

"I'm nervous."

Mahina itong natawa sa kanya.

"You should be happy." Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay saka sila humarap sa salamin. "Do you still remember when we turned 18? Papa said that she wanted to walk us down the aisle. Pangarap ni Papa sa sabay tayong ikasal dahil nga kambal tayo. Nakakalungkot lang dahil wala na si Papa. Pero alam ko kung nasaan man siya ngayon ay masaya na siya kapiling si Mama. "

Naaalala nga niya iyon. Iyon ang panahon na pinangako niya sa sarili na ang tamang lalaki ang pipiliin niya na maging asawa para hindi madisappoint ang kanyang ama.

"I hope that Mama and Papa can see how happy we are now," aniya.

Sabay nilang sinipat ng kakambal ang mga sarili sa salamin. They were both wearing a white gown. Hindi naman bongga ang mga suot nila dahil nga biglaan ang lahat. They're still planning for the big wedding soon.

"Magsisimula na daw po ang seremonya."

Napalingon sila kay Patricia na galing sa function ng hotel. Ito ang magbabantay sa mga bata habang nasa altar sila ng kapatid.

"We're ready." Masaya nilang anunsiyo ni Luzia. Hawak ang kamay ng kanilang mga anak ay naglakad sila papalabas ng silid. Ngunit agad na huminto si Luzia at nilingon si Pat.

"Thank you for taking care of me and for understanding my attitude. I appreciate all of your efforts, Patring." Nginitian nito si Pat na halos hindi makapaniwala sa sinabi ni Luzia.

Ang pagkakakilala naman kasi niya kay Luzia ay isang matapang at masungit na babae. Hindi alam ni Patring na ganoon lamang si Luzia dahil ayaw nito na sobrang mapalapit sa pamilya ni Daniel. That's what Luzia told her when they talked about Luzia's life when she's still living with the Biancaflors.

"Wala po 'yon, Ma' am Hazel. Trabaho ko po 'yon." Nahihiya na saad ni Pat kay Luzia.

Nandoon pa rin ang takot nito kay Luzia kaya hindi nito magawang tumingin rito. Maybe because Pat is still afraid that Luzia might yell at her.

"Call me Zia. I am not me when I am called Hazel. That's a bad identity I created for my hidden agenda. Just call me Zia, Patring," Luzia said as she squeezed Pat's shoulder.

Nakahinga naman ng maluwag si Pat at ngumiti sa kanila. Nagpatuloy na sila sa pagpunta sa function hall. Nang makarating doon ay nagsimula na din ang simpleng seremonya.

Sa pamumuno ng isang pari ay nag-isang dibdib sila tulad ng kanyang pinapangarap.

"I now pronounce you, Luzille and Daniel, Luzia and Lynel, husband and wife."

Napuno ng palakpakan ang loob ng hall mula sa kanilang mga bisita. Naroon ang mga katrabaho niya sa Andriada Hospital maging ang mga kaibigan nila ni Luzia.

"Congratulations, Doc."

"Congratulations, boss."

"Luzy, congratulations. Mrs. Biancaflor ka na!"

Inulan sila ng iba't ibang pagbati. Abot tenga at wala namang pagsidlan ang kanilang kaligayahan na mag-asawa. Kaliwa at kanan ang pagbati sa kanila hanggang sa makabalik sila sa kanilang table kasama sina Luzia at Lynel.

They were all busy with the wedding that they didn't notice Caroline's presence in the hall.

"Congratulations, Daniel and Luzia. Sa inyo din Luzia at Lynel."

They were all surprised to see Caroline. Nakangiti ito sa kanila. Maaliwalas ang mukha nito.

"Anong ginagawa mo dito, Caroline?" tanong niya rito. Kinakabahan siya na baka magsimula ito ng gulo.

"You are not invited here, Caroline," sabad naman ni Daniel habang hinahanap ng mga mata ang security.

"You don't have to worry about me. Hindi ako nagpunta rito para manggulo. I came here to apologize."

Mas lalo silang nagulat sa sinabi nito.

"I'm sorry for all the trouble I've caused. Nadala lang ako ng pressure ni Dad sa akin dahil ako ang inaasahan niya na magbabalik ng dangal ng aming pamilya. I became a monster because of my family. I've realized my mistakes now and we're trying our best para maayos ang aming problema sa kompanya at pamilya. Alam ko hindi ako imbitado rito pero nag-gate crash na ako dahil hindi ako pinapatulog ng aking konsensya sa mga nagawa konsa inyo." Binalingan siya ni Caroline." I'm sorry, Luzille. Ikaw ang napagbalingan ko ng inis sa aking pamilya. Sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko lalo na ang nagawa kong pananakit kay Luziel. I was so desperate that time. I am sorry."

Pinaglipat-lipat nito ang tingin maging sa magulang ni Daniel na lumapit sa kanila.

"Patawarin niyo sana akong lahat."

Nagkatinginan silang mga naroon saka ngumiti. Hindi naman mahirap magpatawad lalo na kung sincere ang taong humihingi ng tawad.

"Naiintindihan ka namin, Caroline. Sana maayos niyo kung ano man ang gusot meron sa pamilya niyo," wika ng ina ni Daniel.

"Pinapatawad ka na namin dahil alam naming hindi mo ginusto ang mga ginawa mo," dagdag pa niya.

Ngumiti si Caroline sa kanya saka bumaling kay Daniel.

"Pasensiya ka na, Daniel. Alam kong marami akong nagawang kasalanan sa iyo kahit noong tayo pa but my biggest mistake is giving up our child. Nagsisisi ako sa ginawa ko pero hindi ko na maibabalik ang panahon para itama ang lahat. All I could do now is to cherish my memories with our child."

Naramdaman niya ang pagluwag ng pagkakahawak ni Daniel sa kamay niya.

"Hindi ka dapat sa akin humihingi ng tawad. Sa batang pinagkaitan mo ng pagkakataon na mabuhay ka dapat humingi ng tawad."

Napayuko na lamang si Caroline sa sinabi ni Daniel. Bakas sa tinig nito na may galit pa rin ito sa dating katipan.

Okay na sana ang lahat kung hindi siya napatingin sa kakambal. Luzia was skeptical towards Caroline apology. Hindi masaya ang kakambal niya sa paghingi ng tawad ni Caroline.

Bakit kaya?

 

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Sweet EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon