ILANG ARAW NA ANG LUMILIPAS mula nang umalis siya sa bahay ni Daniel dahil sa mga bisita nito. Ilang araw na din na wala siyang naririnig mula rito o kahit kay Luziel. Sinusubukan niyang tawagan ang number ng mag-ama pero laging busy ang linya ni Daniel at hindi naman macontact si Pat para makausap niya si Luziel.Nag-aalala na siya para sa bata lalo na at wala itong ina na titingin rito. Dagdag pa iniiisip siya si Rizza na ilang araw nang hindi pumapasok sa clinic kaya ilang araw na din closed ang clinic niya. Hindi niya kayang mag-isa ang trabaho doon kaya kailangan niya si Rizza pero may mahakaga daw itong aasikasuhin kaya hindi ito nakakapasok.
Right now, nakatambay lang siya sa kanyang bahay. Wala din kasi siyang balita kina Lynel at Luzia.
She was busy reading her favorite book in the lanai when the doorbell rang. Dahil tanaw naman sa lanai ang gate ay sinilip niya ang naroon at nakita niya si Rizza.
Anong ginagawa niya rito?
Pinagbuksan niya ito ng gate at doon niya nakita na kasama nito ang kambal nitong anak na sina Ryre at Leyza.
"Rizza, anong ginagawa mo rito?" tanong niya rito. "Halika, pasok kayo."
Nagmano sa kanya ang dalawang bata na ikinatuwa niya. Napakabait ng dalawang batang ito. Pinalaki ito ni Rizza ng may magandang asal. Nang makapasok sa loob ng bahay ay naghanda siya ng meryenda para sa mga ito.
Inilapag niya ang isang plato ng cookies at juice sa mesa saka binalingan si Rizza na kanina niya pa napapansin na balisa.
"May problema ba, Rizza?" Nag-aalala niyang tanong rito.
"Doc, kailangan ko po ng tulong niyo para sa mga bata."
Naalarma siya sa sinabi nito kaya napatingin siya sa kambal. Si Ryre ay matanda kay Leyza ng ilang minuto kaya kuya ang tawag ni Leyza dito. Habang pinagmamasdan ang dalawang bata ay napansin niya ang pasa sa braso ni Ryre at maliit na sugat sa gilid ng labi ni Leyza. Nabuhay ang kaba sa dibdib niya. The twins are just turning 5 years old next month pero nakakaranas na ang mga ito ng pananakit. Tiningnan niya ng masama si Rizza.
"Who did that to them?" tukoy niya sa pasa at sugat ng dalawang bata.
Hindi na napigilan ni Rizza na mapaiyak.
"Sinaktan sila ni Ryley, Doc." Umiiyak na wika ni Rizza. "Sandali lang akong umalis ng bahay para bumili ng makakain namin pero pagbalik ko sinasaktan na sila ni Ryley."
Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Sa pagkakakilala niya kay Ryley ay mabait ito at mabuting ama. Hindi siya makapaniwala na nagawa nitong saktan ang sarili nitong mga anak.
"Bakit naman sasaktan ni Ryley ang mga anak niya?"
Muling humagulhol ng iyak si Rizza.
"Nalaman na niya ang totoo, Doc," wika nito nang bahagya kumalma. "Nalaman niyang hindi niya anak ang kambal."
Maging siya ay nabigla sa sinabi nito. Hindi siya agad nakapagsalita. Palipat-lipat lamang ang tingin niya sa kambal at kay Rizza.
"Okay.. I didn't expect that. Ano bang maitutulong ko sa inyo? If you want to file a case, may maibibigay ako sa inyong abogado," wika niya nang makabawi sa pagkabigla.
Huminga ng malalim si Rizza saka tinuyo ang mga luha sa pisngi. Tiningnan siya nito sa mga mata.
"Tulungan mo akong maibalik sila sa kanilang tunay na magulang, Doc."
"Sandali, alam mo ba kung sino ang tunay nilang magulang?"
Tumango si Rizza.
"Kung ganoon naman pala ay pwede natin silang puntahan ngayon at ipaliwanag mo ang sitwasyon." Muli niyang tiningnan ang dalawang bata. Awang-awa siya rito. "Paano ba sila na punta sa inyo? Anak mo ba sila sa ibang lalaki?"
BINABASA MO ANG
Sweet Escape
General FictionWhat if you woke up one day and you are no longer the person you knew you were? Everyone is calling you by other people's name. Paano kung ang buhay ng iyong kapatid ay mapunta sa iyo? At walang naniniwala sa iyo na hindi ikaw ang kapatid mo? How c...