15 - First Revelation

4K 127 3
                                    

 
  
  
KINAKABAHAN SIYA HABANG NAKAUPO SA COUCH. Nasa living room siya kasama sina Daniel at Lynel habang naglalaro naman sa malapit si Luziel.

"What's happening, Luzille? Who are they?" Tukoy ni Lynel kina Daniel at Luziel.

Magsasalita sana si Daniel pero pinigilan niya ito. Baka kung ano ang masabi nito kay Lynel. Malapit sa kanya si Lynel at wala siyang inilihim rito mula nang magkakilala sila. Ngayon lamang siya may inilihim at 'yon ay ang tungkol kina Daniel at Luziel.

"Lynel, he is Daniel, Luzia' s husband." Gumuhit ang gulat sa mukha ni Lynel. "And that's Luziel, Luzia's daughter." Mas lalong nagulat ito sa huli niyang sinabi.

Pinaglipat-lipat nito ang tingin kina Daniel at Luziel saka tumingin sa kanya.

"Okay..." He said trying to fathom what she said. "What are they doing in your house?"

Ano nga ba ang ginagawa ng mga ito sa bahay niya maliban sa namimiss siya ni Luziel? Tiningnan niya si Daniel.

"We're here because of Luzille. She'll be my daughter's mother kaya binabantayan at sinasamahan namin siya," sabat ni Daniel.

Pinanlakihan niya ito ng mata. Kung anu-ano kasi ang sinasabi.

"Is that true, Luzille?"

Sasagot na sana siya nang unahan na naman siyang umimik ni Daniel.

"Yes, it's true. Bakit ba ang dami mong tanong? Are his boyfriend? Kasi kung hindi, pwede ka nang umalis." Hindi na niya napigilan hampasin ang braso ni Daniel para tumigil ito.

"Stop it, Daniel. Lynel is my friend." Umahon siya mula sa kinauupuan saka muling binalingan si Daniel. "Stay here and look after Luziel. Mag-uusap lang kami ni Lynel."

"You can talk here," wika nito.

"Not if you're here and intervening our conversation." Binalingan niya si Lynel. "Let's talk in the lanai, Lynel."

Hindi na niya hinintay na sumagot ito. Nauna siyang naglakad patungo sa lanai na malapit sa entrance ng bahay. Ilang sandali pa ay nasa likod na niya ito. Agad siyang naupo sa upuang kahoy na inukit pagdating sa lanai.

"What were you thinking, Luzille? They are your twin's family. Bakit ineentertain mo sila dito sa bahay mo?" tanong ni Lynel.

Nahilot niya ang sentido dahil bahagyang sumakit ang kanyang ulo. Dumadami na ang kanyang isipin ngayon.

"I went to your clinic this morning pero wala ka pa doon. When I asked Rizza sabi niya ipinapasara mo daw ngayong araw ang clinic kaya nagtaka ako. I was worried dahil sabi mo kahapon ay masama ang pakiramdam. I came here to check on you and this is what I saw. Ano bang naiisip mo, Luzille?" dagdag pa nito na mas lalong ikinasakit ng ulo niya.

"Lynel, I know what I am doing," tanging nasabi na lamang niya.

"Do you really know what you're doing, Luzille? That man in there wants you to be his daughter's mother. Hindi ikaw si Luzia, Luzille!" Bahagyang tumaas ang tinig ni Lynel kaya hinarap niya ito.

"Yes, I am not Luzia, Lynel. But I am doing what Luzia was supposed to do to her child. Luzia is missing and the child needs her mother at that stage. She's my niece. My twin's daughter. She's like my own flesh and blood, Lynel. I am doing this for the kid."

"Is it really just about the kid, Luzille?"

Hindi siya nakasagot sa tanong nito. Umiwas siya ng tingin at itinuon na lang ang pansin sa bahay na nasa tapat ng bahay nila. Napakunot ang noo niya nang mapansin na may taong nakasilip sa bintana sa ikalawang palapag ng bahay. Matagal nang bakante ang bahay na iyon dahil nag-migrate na sa Canada ang pamilya na naninirahan doon.

Sweet EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon