ILANG MINUTO LANG ANG NAGING BYAHE NILA BAGO NILA NARATING ANG RESTAURANT NA MEETING PLACE NILA NG MAGULANG NI DANIEL. Muntik na silang hindi matuloy ng alis kanina dahil hindi pumayag si Daniel sa suot niya. Pinipilit nito na isuot niya ang dress na gusto nito pero hindi siya pumayag. Mabuti na lang ay kinampihan siya ni Luziel. Walang nagawa ang pamimilit niya sa salita ng anak nito.Ngayon narito sila sa isang malaking restaurant. Hawak niya ang kamay ni Luziel habang papasok sila sa loob. May binulong lang si Daniel sa receptionist tapos dinala na sila nito sa isang table kung saan may dalawang matanda na nakaupo.
"Lolo! Lola!" hiyaw ni Luziel sabay yakap sa dalawang matanda.
"Apo ko," bulaslas ng ginang saka hinagkan sa pisngi ang bata.
Napatingin naman siya sa matandang lalaki na matalim ang tingin sa kanya.
"Bakit bumalik ka pa?!" Galit ang ekspresyon nito nang tanungin siya.
She's expecting this. Lahat naman yata ng tao ay galit sa kakambal niya. Kung bakit ay hindi niya pa alam ang buong kwento. Wala siyang alam na paraan para hanapin ito. If only she has a phone. She can call Lynel or Rizza to help her. Pero kahit nga telepono sa bahay nila ay wala. Wala talagang plano si Daniel na palayain siya.
"Sorry to disappoint you, sir, but you are barking at the wrong tree. I may look like Hazel but I am not her. I would like to tell you a story but I think the kid shouldn't hear it."
Tiningnan siya ni Daniel pero inirapan niya lang ito. Hindi pa masyadong nakakaintindi ng ibang English na salita si Luziel kaya alam niyang hindi pa nito naiintindihan ang sinabi niya.
Pinaghila siya ni Daniel ng silya habang nasa tabi naman ng ginang si Luziel.
"We'll talk about that story later but now talk to my parents properly," bulong nito sa kanya nang makaupo siya.
She rolled her eyes at him. Katulad ng request nito ay magiliw at magalang siyang nakipag-usap sa dalawang matanda kahit na ayaw siyang kausapin ng ama ni Daniel. Wala siyang ginagawang masama sa mga ito kaya wala siyang dapat ikatakot rito.
Habang nakikipagkwentuhan si Daniel sa mga magulang nito ay sinamantala niya ang pagkakataon para makalayo. Nagpaalam siya rito na pupunta lamang ng ladies room. Ang hindi nito alam ay may iba siyang plano.
Pumasok siya sa loob ng ladies room at nagkulong sa isang cubicle. Naghintay siya ng ilang minuto hanggang sa maubos ang mga tao roon. Nag-isip siya ng paraan kung paano makatakas. She tried the window pero sealed ito dahil air-conditioned ang buong lugar.
Wala siyang ibang choice kundi ang dumaan sa entrance. To do that, hindi dapat siya makita ni Daniel o ng pamilya nito. She inhaled deeply. Kailangan niya ng lakas ng loob para gawin ito. It's for her freedom. Paglabas niya ng cubicle ay sakto namang pasok ng grupo ng mga kabataang babae. Limang babae ng pumasok at nagtouch up. Nakihanay siya sa mga ito.
Hindi mahahalata na hindi siya miyembro ng grupo dahil pareho ang style ng mga suot nila. Nakapants din ang mga ito at naka-long sleeves. Inilugay niya ang buhok para mas hindi siya makilala.
Sumabay siya ng paglabas ng CR ng mga ito. Dumiretso ang lima sa table malapit sa exit. Malapit na siyang makatakas hanggang sa tuluyan siyang makalabas ng restaurant. Mabilis ang lakad niya patawid sa kabila ng kalsada. Mula sa tinataguang poste ay tanaw niya ang pares ng mga mata na nakatingin sa kanya.
Nakita siya ni Daniel. Walang ekspresyon ang mga mata nito. Alam nito na tumakas siya. Kailangan niyang tumakbo palayo. Hahakbang na sana siya palayo nang malipat ang tingin niya sa batang tumakbo kay Daniel at umiiyak.
BINABASA MO ANG
Sweet Escape
General FictionWhat if you woke up one day and you are no longer the person you knew you were? Everyone is calling you by other people's name. Paano kung ang buhay ng iyong kapatid ay mapunta sa iyo? At walang naniniwala sa iyo na hindi ikaw ang kapatid mo? How c...