MAAGANG NAGISING SI LUZILLE NANG ARAW NA IYON DAHIL DADATING ANG KANYANG KAKAMBAL AT ANG MGA PAMANGKIN NIYA KASAMA SI LYNEL. Sigurado siyang magiging masaya si Luziel dahil makakalaro nito ang mga kapatid nito.Agad siyang naligo at nag-ayos ng kaunti bago bumaba para maghanda ng almusal. Ilang sandali lang ay darating na ang kanilang mga bisita.
Pagdating niya sa kusina ay nakita niyang abala ang lahat ng maids sa kani-kanilang mga trabaho. Pinapasok din ni Daniel ang mga katulong na dapat ay nakaday-off ngayon para tumulong sa paghahanda.
"Mam Luzy, kami na po ang bahala rito. Alam na po namin ang mga dapat at hindi dapat gawin para po hindi magalit si Mam Luzia," bungad sa kanya ni Pat na abala rin sa pagmamando sa mga katulong.
"Bakit parang napakadami niyo namang hinahanda? May iba pa bang bisita na darating?" tanong niya rito.
Napansin kasi niya na maraming niluluto ang chef ni Daniel. Actually, tatlo ang chef na nasa kusina nila at nagluluto.
"Dadating din daw po kasi ang magulang ni sir Daniel."
Nabigla siya sa sinabi ni Pat. Kung pupunta sa bahay nila sina Luzia at ang pamilya nito at pupunta din ang magulang ni Daniel, magkikita ang mga ito. Baka magkagulo dahil alam niyang hindi pa napapatawad ng mga magulang ni Daniel ang kakambal niya.
"Good morning!" Isang pares ng matitipunong braso ang yumakap sa kanya mula sa likuran at hinagkan siya sa pisngi. Ipinatong nito ang baba sa balikat niya habang pinagmamasdan ang abalang mga tao sa kusina. "Maasahan talaga si Patricia," dagdag pa nito.
"Hindi mo naman sinabi na darating pala ang Mama at Papa mo ngayon. Baka magkagulo mamaya kapag nagkita sila ni Luzia," nag-aalalang wika niya kay Daniel.
Ngumiti naman ito at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kanya.
"Okay na kina Mama at Papa ang desisyon ni Luzia. Hindi na sila galit sa kanya. Nagalit lang naman sila dahil akala nila ay papabayaan nito si Luziel. Pero hindi naman dahil narito ka at pinupuno mo ang puwang ng isang ina sa puso ng anak ko." Napakislot siya nang hagkan siya nito sa leeg. May kuryenteng dumaloy sa katawan niya na kumiliti sa buo niyang sistema.
Mahina niyang pinalo ang braso nito at kumawala sa pagkakayakap nito.
"Tigilan mo ako sa pagnanakaw mo ng halik na yan ah. Nakakarami ka na!" saway niya rito.
Tatawa-tawa lang naman ito habang nakatingin sa kanya.
"Kasalanan mo naman. Agang-aga ang bango-bango mo," sabi pa nito.
Pinanlakihan niya ito ng mata. Hindi talaga ito titigil hanggat hindi na naman siya pulang-pula.
"Mommy.. Daddy.."
Sabay silang napalingon at nakita si Luziel na bagong gising. Hawak nito ang paborito nitong teddy bear.
"Good morning, baby!" Agad niyang kinarga at hinagkan ang bata. "How's your sleep?"
"It was nice, mommy. I dream about you. Ikaw daw po ang Mommy ko."
Napangiti naman siya rito.
"Ako naman ang Mommy mo 'di ba? Hindi ka man nanggaling sa akin pero ako naman ang Mommy na nagmamahal sa iyo ng sobra at sobra-sobra pa." Pinupog niya ng halik ang mukha ng bata dahilan para tumawa ito ng malakas.
"Ang saya naman ng pamilya na ito."
This time sa may living area sila napatingin.
"Lolo!! Lola!!"
Doon ay nakatanaw sa kanila ang Mama at Papa ni Daniel habang nakangiti. Ibinaba niya si Luziel para makapag-mano sa mga ito. Siya naman ay lumapit din para yumakap sa mga ito. Kasunod naman niya si Daniel.
BINABASA MO ANG
Sweet Escape
General FictionWhat if you woke up one day and you are no longer the person you knew you were? Everyone is calling you by other people's name. Paano kung ang buhay ng iyong kapatid ay mapunta sa iyo? At walang naniniwala sa iyo na hindi ikaw ang kapatid mo? How c...