14 - Winning

3.9K 127 5
                                    




SHE WOKE UP TO THE SOUND OF A CHILD'S LAUGHTER. When she opened her eyes her green painted room greeted her. Nakatulugan niya ang sobrang pag-iisip kagabi.

Naengganyo siyang bumangon nang muling marinig ang tawa ni Luziel mula sa labas ng bahay. Nang tingnan niya mula sa bintana ng silid ay nakita niya itong nakikipaglaro sa ama. Nasa garden sila ng bahay.

Pasado alas otso na pala ng umaga. Mukhang late na siyang makakapasok sa clinic ngayon. Sakto naman na nag-ring ang phone niya. Tumatawag si Rizza.

"Rizza, I'm sorry. Kagigising ko lang," hinging paumanhin niya kaagad dito.

"Doc, ikaw ang boss hindi ako. Huwag kang humingi ng pasensiya. Wala pa naman pasyente kaya ok lang na malate kayo. Tumawag po ako para sabihin na narito po sa clinic si Doc Lynel. Hinahanap po kayo."

May usapan nga pala sila ni Lynel na kakain sa sinasabi nitong restaurant. Siguro dapat nang malaman ni Lynel ang tungkol kina Daniel para hindi na siya nagtatago ng ganito. Para siyang isang kasal na babae na nagtataksil sa asawa niya.

"Pakisabi sa kanya na magkita na lang kami sa ospital mamaya. Pakiclose muna ng clinic ngayon, Rizza. Salamat." Agad niyang ibinaba ang tawag pagkasabi no'n kay Rizza.

Nagtungo siya sa banyo at naligo saka nagbihis at nagtungo sa kusina para sana magluto ngunit nagulat siya nang mabungaran doon ang mag-ama na abala sa pagluluto.

"Good morning, mommy!" bati sa kanya ni Luziel nang makita siya.

"Good morning, baby," she greeted back at Luziel but her eyes were fixed to the man in front of the microwave oven busy cooking something.

"What are you trying to cook?" tanong niya kay Daniel.

"I'm not trying. I'm cooking." He answered then smiled at her.

Yan na naman ang ngiti niyang nakakatunaw. Mas lalo siyang nahuhulog rito ngunit alam niyang hindi pwede. Ayaw niyang masaktan sa huli. Naupo sila ni Luziel sa harap ng dining table at hinintay ang sinasabi ni Daniel na niluluto nito. Ilang sandali pa ay nakaamoy na sila ng masarap na pagkain na papalapit.

Inilapag ni Daniel sa harap nila ang isang kakaibang pagkain. Kakaiba dahil ngayon lamang siya nakakita ng ganoong pagkain.

"What is that?" tanong niya rito habang sinusuri ang pagkain.

"Mommy, that's my favorite. An oatmeal with an egg!" Masiglan kinuha ni Luziel ang oatmeal daw na nasa maliit na bowl.

"An oatmeal with an egg?" Bago sa kanyang pandinig ang pagkain pero mukhang masarap. Kinuha niya ang isang bowl saka kumain. Hindi niya napigilang mapatango at mapapikit.

"This is awesome. You took this oatmeal to a whole new level. Sana araw-araw ganito," wika niya saka muling sumubo at ninamnam ang oatmeal sa bibig.

"I can cook you this every day if you want to."

Nagningning ang mga mata niya sa sinabi nito.

"Really?"

"At hindi lang 'yan ang matitikman mo kapag naging mommy ka talaga ni Luziel." Binigyan siya nito ng pilyong ngiti.

Pinandilatan naman niya ito. Mabuti na lang busy sa pagkain ang anak nito. Baka masulsulan pa lalo si Daniel pag nagkataon.

"Stop it, Daniel. That won't work," aniya saka muling sumubo.

Ngumisi lang ito sa kanya saka tumabi sa kanila ni Luziel.

"It'll work, Luzy. It will. Maybe not now but soon I know it will work."

Sweet EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon