MABILIS NA NATAPOS ANG ARAW NA IYON PARA SA KANILANG PAMILYA. Pagkatapos nilang mag-almusal ay napagdesisyonan nilang magpicnic since near by the bay lang naman ang bahay ni Daniel.The kids were very happy especially Luziel dahil may mga kalaro ito. Syempre dahil nalaman niyang anak talaga niya si Luziel, todo bantay siya rito lalo na kung pumupunta ito sa dagat. Kahit pa sinasabi ni Daniel na marunong lumangoy si Luziel dahil nagtetake ito ng swimming lessons ay hindi pa rin siya mapanatag kaya naman hindi siya nawawala sa tabi ng anak na ikinatuwa naman ng mga magulang ni Daniel. They said that she's a great mother which she wish was true. Sana nga maging sapat siya sa anak niya.
After lunch ay umuwi na ang parents ni Daniel habang sina Luzia at ang kambal ay sinundo na ni Lynel. May tinutuluyan pala na townhouse ang pamilya sa Lipa.
It's already night and they just finished their dinner. They're now preparing to go to bed when a knock on the door stopped her from what she's doing.
"Sino 'yan?" she asked.
"It is me," tinig iyon ni Daniel.
Pinagbuksan niya ito ng pinto. Sumalubong sa kanya ang panlalaki nitong pabango at ang amoy ng shower gel na gamit nito. Fresh from the shower ang ama ng anak niya.
"May kailangan ka ba?" tanong niya rito.
Nilakihan niya ng bukas ng pinto para papasukin ito. Dumiretso naman ito sa kanyang kama at doon nahiga.
"What are you doing?" she queried while looking at his movements. Para kasing kanya ang kama kung makahiga.
"I am sleeping in my soon-to-be wife's room. Hindi ka ba napapaisip na may anak tayo pero hindi tayo nagsasama sa iisang kwarto? We should sleep together, Luzy."
Agad siyang namula sa sinabi nito. Namumula siya hindi dahil sa hiya kundi dahil sa kung anong kilig na nangyayari sa sistema niya.
"Do you really think so?" aniya na sinasakyan ang kapilyohan nito.
Hindi naman na sila bata para sa mga ganitong bagay. Besides they already have a child and if the DNA test proved that she's Luziel's mother, wedding will come after. God knows they both have feelings for each other.
"Yeah, I really think we should. So come up here and cuddle with me." Tinapik nito ang bakanteng pwesto sa tabi nito habang nakangiti ng nakakaakit.
Kung may mangyari man ngayong gabi, sigurado siyang napakainosente niya sa mga ganoon. Baka madismaya si Daniel sa performance niya. Napakagat-labi siya.
Mabagal ang mga hakbang na lumapit siya sa kama at naupo sa gilid nito. Hindi siya humiga dahil nag-iisip siya kung tama ba na may mangyari na sa kanila kahit hindi pa sila kasal at wala pa siyang experience sa sexy things na ginagawa ng mag-asawa. She's an OB but sex is not part of her job.
Hindi na siya nakatanggi pa nang hilahin siya pahiga ni Daniel at yakapin ng mahigpit.
"I won't force you to do things if you're not ready," bulong nito.
She looked at him. Nakapikit ito habang nakayakap sa kanya.
"It is not that I don't like to do it with you. It's just that we're not yet married to do what a married couple should do. And..." hindi niya magawang masabi ang pangalawang dahilan kung bakit nagdadalawang isip siya.
"And what?"
"I am still a virgin."
She felt how Daniel hug her tight. Mas siniksik pa nito ang mukha sa may leeg niya dahilan para makiliti siya.
"Nakikiliti ako!" saway niya rito nang mas siniksik pa ang mukha sa leeg niya. Naramdaman din niya ang mumunting halik nito sa kanyang leeg. "Daniel, stop it!" muli niyang saway rito.
BINABASA MO ANG
Sweet Escape
General FictionWhat if you woke up one day and you are no longer the person you knew you were? Everyone is calling you by other people's name. Paano kung ang buhay ng iyong kapatid ay mapunta sa iyo? At walang naniniwala sa iyo na hindi ikaw ang kapatid mo? How c...