ILANG LINGGO makalipas na makauwi siya at makita si Luzia ay bumalik na sa dati ang pamumuhay niya. It's like a normal day but it's not. Ilang araw na pero parang laging may kulang.
After niya masabi kay Daniel na nakita niya si Luzia ay hindi na niya ito muli pang nakausap. Ang lagi niya lang nakakausap ay si Luziel at sa tulong ito ni Pat.I miss him.
Agad niyang sinampal ang sarili para magising sa katotohanan na may asawa at pamilya ang namimiss niya. At abala ito sa paghahanap sa asawa nito. Dapat siyang magising sa katotohanang iyon. Hindi niya pinangarap at hindi niya gugustuhing maging kabit kaya habang maaga ay pipigilan na niya.
"Doc Luzy, may bisita po kayo."
Napaangat ang tingin niya kay Rizza at sa bisita na tinutukoy nito. Nagkataon na madalang ang pasyente ngayon kaya makakapag-entertain siya ng bisita.
Mula sa kinauupuan ay nakita niya ang pagsilip ni Lynel. May dala itong bulaklak katulad ng lagi nitong ginagawa sa tuwing bibisitahin siya o kahit magkikita lang sila. He's been courting her since she became an OB. Pero dahil marami siyang priority sa buhay hindi niya ito nabibigyan ng pansin.
"Flowers for the most wonderful woman I know," ani nito sabay abot ng bulaklak sa kanya.
"Thnak you, Lynel." Tinanggap niya ito ngunit agad na nilinaw ang ginawa. "But you know my side about that."
"Yeah, I know and I am willing to wait."
"You can like somebody else, Lynel. Why wait for me?"
"That's love, Luzy. And I love you that's why I'll wait for you. Even if waiting means killing all men on Earth."
Natawa siya sa sinabi nito. Pursigido talaga ito sa panliligaw sa kanya pero iba naman ang tinitibok ng puso niya at alam niyang hindi pwede ang nararamdaman niya para kay Daniel. Kaya naman makakatulong siguro kung bibigyan niya ng chance si Lynel para makalimutan niya si Daniel.
"You don't have to do that, Lynel." She stood up and walked towards him. "Naisip ko na hindi naman siguro masama kung bigyan ko naman ng time ang love ngayon."
Nagliwanag ang mukha nito sa sinabi niya.
"Does that mean you're giving me a chance?"
Ngumiti siya rito bilang tugon. Puno ng kasiyahan naman itong napasuntok sa hangin sabay tawa ng malakas. She can see genuine happiness on Lynel's eyes.
"You deserve it," aniya saka kinawit ang kamay sa braso nito.
Lynel is her best friend and partner. Lagi itong nasa tabi niya sa tuwing kailangan niya ng kasama at karamay. Ito rin ang dahilan kaya madali siyang nagkaroon ng working experience dahil inirekomenda siya nito sa mga magulang nito na may-ari ng Andriada Hospital.
"Saan tayo unang magdedate?" tanong ko sa kanya.
Saglit itong nag-isip bago sumagot.
"There's this newly opened Korean restaurant near here. Maybe we can try their special dishes."
Sakto! Kanina pa siya nagugutom at natatakam sa mga korean foods na napapanood niya sa mga korean drama sa clinic na paborito ni Rizza.
"I'll just clear my schedule." Nauna itong lumabas ng office habang siya ay naiwan para ayusin ang kanyang schedule.
Ilang minuto lang mula nang lumabas si Lynel ay pumasok naman si Rizza.
"Doc, may naghahanap po sa inyo sa labas. Daniel at Luziel daw po."
Awtomatikong napaangat ang tingin niya kay Rizza kasabay ng malakas na kabog ng dibdib niya. Ito na naman ang puso niya. Nagwawala dahil sa presensiya ni Daniel.
BINABASA MO ANG
Sweet Escape
General FictionWhat if you woke up one day and you are no longer the person you knew you were? Everyone is calling you by other people's name. Paano kung ang buhay ng iyong kapatid ay mapunta sa iyo? At walang naniniwala sa iyo na hindi ikaw ang kapatid mo? How c...