4 - Comparison

4.3K 151 2
                                    

 
  
   
KAHIT ILANG BESES NA NIYANG SINABI NA AYAW NIYANG BUMABA PARA KUMAIN NG DINNER AY PINILIT PA RIN SIYA NI DANIEL. Nasa harap na siya ng hapag-kainan kasama si Daniel at Luziel at isa pang lalaki. Ito na siguro si Victor.

Nakaupo siya roon katabi si Luziel na abala sa pagkain nito habang siya naman ay nakatulala sa kutsara at pinaglalaruan ang pagkain na nasa plato niya.

"How have you been, Hazel? It's been ages since I last saw you," dinig niyang saad nong Victor.

Nanatiling nakatuon sa pagkain ang pansin niya. Hindi naman kasi niya gusto na kumain. Kakatapos niya lang kumain tapos kakain ulit. May plano ba ang mga ito na gawin siyang baboy.

"Hazel," sinipa ni Daniel ang paa niya sa ilalim ng mesa oara kunin ang atensiyon niya. "Victor's talkimg to you."

"I thought he's talking to Hazel," sarkastiko niyang sabi rito saka binalingan si Victor. "Pasensiya ka na ha? Missing in action pa din kasi si Hazel." Ngumiti siya ng peke sa mga ito.

"Mommy 'di ba ikaw si Hazel?"

Nailingon niya ang bata na may dungis dahil sa pagkain. She grabbed a tissue and wiped the child's mouth.

"That's what they say but I am not. I am Luzy. I am not your mommy," pagkasabi niya no'n ay nalukot ang mukha ng bata at pumalahaw ng iyak.

Nataranta naman siya kaya agad niyang kinalong ang bata. "Shhh.. Baby.."

Huminto sa pag-iyak si Luziel at tumingin sa kanya. Pati si Daniel at si Pat na kadarating lang mula sa kusina ay napatingin sa kanya.

"What?" she mouthed at them.

She felt two tiny hands wrapped around her waist.

"I love you, mommy." Hindi na ito umiiyak. Nakangiti na itong nakatunghay sa kanya.

Naguguluhan na talaga siya. Kinarga niya si Luziel at umalis sila sa hapag-kainan. Dinala niya ang bata sa play area nito. Nakita naman niyang sumunod sa kanila si Pat. Hinayaan niya na maglaro si Luziel at sinamantala naman niya ang pagkakataon para magtanong kay Pat.

"Bakit gano'n na lang kayo kung tingnan ako kanina? Parang may ginawa akong mali," tanong niya rito.

"Eh kasi po, mam, 'yon po ang unang beses na tinawag ninyong baby si Luziel mula ng ipanganak niyo siya."

Napanganga siya sa sinabi nito. What? That was the first time that kid was called baby by her mother who looked like her? Anong klaseng ina ba si Hazel? Parang napakasama naman niyang ina para matiis ang napaka-inosente at mala-anghel na si Luziel.

"Gano'n bang klaseng ina si Hazel?" muli niyang tanong rito.

Napakamot naman sa ulo ang kasambahay at nahihiyang ngumiti sa kanya.

"Sa totoo lang po, mam, hindi ko po alam kung paano po kayo kakausapin tungkol kay mam Hazel. Parang kayo po kasi siya. Kamukhang kamukha niyo po siya. Natatakot po ako baka po kayo talaga si mam Hazel at kagalitan niyo ako bigla."

Natigilan siya sa sinabi nito. Kamukhang-kamukha niya si Hazel. Iisang tao lang ang alam niyang kamukhang-kamukha niya sa mundo. Si Luzia lang. Hindi kaya ang Hazel na dating si Luzille Guandez ay si Luzia na ginamit ang pangalan niya.

"Kamukha ko ba talaga si Hazel?" usisa niyang muli.

Tinitigan siyang mabuti ni Pat.

"Opo pero hindi ko masisiguro dahil bihira ko naman pong matitigan si mam Hazel. Nagagalit po siya kapag tinitingnan namin siya."

Napatango-tango siya. Malakas ang kutob niya na may kinalaman si Luzia sa pangyayaring ito.

"Pat, pwede mo ba akong samahan sa kwarto ni Luziel. Gusto kong makita ang larawan ni Hazel." Nag-aalangang si Pat na tumango saka nilingon ang dining area kung saan maririnig ang dalawang tinig ng lalaki na nag-uusap.

"Mabilis lang po tayo, mam. Ayaw po kasi ni sir na makita ang larawan na 'yon. Galit na galit po talaga siya sa inyo." Natutop nito ang bibig sa sinabi. "Kay mam Hazel po pala."

Iniwan niya sandali si Luziel na abala sa paglalaro ng building blocks. Mabibilis ang hakbang nila ni Pat para marating ang silid ni Luziel. Pagkapasok nila ng kwarto ng bata ay tumambad sa kanya ang kulay pink at violet na silid. This is the color that she wants for her future children's room.

Hinila siya ni Pat patungo sa harap ng malaking cabinet sa walk-in closet ni Luziel. Binuksan ito ni Pat at hinawi ang mga damit na nakahanger. Doon tumambad sa kanya ang malaking portrait ng isang babaeng kamukhang kamukha niya. It's her actually dahil kahit ang mga peklat at taling sa mukha niya ay kuhang-kuha nito. Si Luzia ba talaga ito? Bakit parang siya ito?

"She really looks exactly like me," anas niya habang hinahaplos ang bawat detalyo ng larawan. Pati ang hati ng buhok ay karulad ng sa kanya. The way she smile is the same in the picture. Kung ito si Hazel, hindi malabo na mapagkakamalan nga siya. Luzia made a smart copy of her. Pero bakit naman niya ito gagawin?

"Kaya nga po mahirap maniwala na hindi kayo si mam Hazel."

Mukhang mahihirapan talaga siyang mapatunayan 'yon. Pero hindi siya susuko. There must be a way to prove her identity as Luzille Guandez.

"Labas na po tayo, mam. Baka po ako makagalitan ni sir."

Tumango siya at naunang umalis ng silid. Habang naglalakad pabalik sa play area ni Luziel ay iniisip niya kung bakit at paano iyon nagawa ng kakambal. Bakit ito nagpanggap na siya? Ano ang dahilan niya? Kailangan niyang mahanap ang kakambal para masagot ang lahat ng mga tanong niya pero paano niya gagawin 'yon kung hindi siya pinapayagang lumabas ng bahay ni Daniel.

Napatigil siya sa paglalakad ng marinig ang iyak ni Luziel. Mabilis siyang tumakbo patungo sa kinaroroonan nito.

"Luziel!" tawag niya rito.

"Mommy! Mommy!" Tumakbo ito palapit sa kanya at mahigpit na niyakap ang hita niya. Kaya yumuko siya para mayakap siya nito ng ayos.

"Akala ko iniwan mo ulit ako, mommy," wika nito sa gitna ng iyak.

"Shhh.. Tigil na, baby. Hindi aalis si mommy, okay? Hindi ka iiwan ni mommy," saad niya habang yakap ito at hinahaplos ang likod nito.

Kinarga niya ang bata at pinakalma hanggang sa hindi na ito umiiyak.

"Don't leave me again, mommy. Be strong kahit po sinasaktan kayo ni Daddy." Hindi siya agad nakasagot sa sinabi ng bata.

Sinasaktan ni Daniel ang kakambal niya? No wonder naglayas ito. May dahilan naman pala. Unti-unting bumigat ang paghinga ng bata senyales na nakatulog na ito.

"Nakita mo na ang trauma na dinulot sa bata ng pag-alis mo. Mawala ka lang sandali sa paningin niya ay umiiyak ma siya. Dalawang taon siyang ganyan, Hazel, dahil sa iyo. Sobra mong pinahirapan at sinaktan ang bata. Ganyan ka ba kawalang pusong ina?"

Kahit hindi siya lumingon para tingnan kung sino ang nagsalita ay alam niyang si Daniel iyon.

"I didn't do that. Hazel did," halos pabulong na niyang wika dahil baka magising si Luziel.

"Ipipilit mo talaga na hindi ikaw si Hazel ha? Hindi ka ba napapagod sa pagsisinungaling?"

She rolled her eyes at him.

"Ikaw ba? Hindi ka ba napapagod sa kapipilit na ako si Hazel?" balik tanong niya rito. "Saka pwede ba, may usapan na tayo na papatunayan kong hindi ako si Hazel. Huwag ka nang umapela."

Tinalikuran niya ito. Dadalhin na niya sa kwarto si Luziel para makapagpahinga na din siya. Alam niyang nakasunod si Daniel sa kanya hanggang sa mailapag niya sa kama ang bata. She kissed her good night and left the room. Nakatayo naman sa may bungad ng pinto si Daniel.

"Magpapahinga na ako," sabi niya rito saka ito nilampasan at dumiretso sa kwarto na tinutuluyan niya.

Pagkapasok sa silid ay napasandal siya sa pinto. Ano ba itong gulo na pinasok ng kakambal niya? Pati siya ay nadadamay. Paano na ang clinic niya? Sino kaya ang nagmamanage nito? Sinong doctor ang aasikaso sa mga pasyente niya? Paano na ang bahay nila na hinuhulugan pa din niya hanggang ngayon sa bangko?

Paano na ang buhay niya?

 
  
  
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Sweet EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon