02

567 29 1
                                    

02:



Mas dumalas na ang pagbati sa akin ni Maverick, na dati ay alam kong tinitingnan-tingnan lang ako at inaasar-asar sa pangalan ko.

I don't really hate my name. It's just that, I want my nickname more than I like my name. To be honest, my name sounds so sophisticated like the way I look as most people know me said. But to be called Tori is better in my ears.

Just call me by my real name when we're really close. O kung mas mataas ka sa akin.

"Anong nakain mo, bakit lagi mo na akong kinakausap ngayon, Mr. Vega?" tanong ko nang minsang nakiupo siya sa table ko para kumain ng lunch.

He smirked. "Hindi lang naman ako makalapit sa 'yo noon dahil nga hindi ko pa nasasabing crush kita. Pero dahil alam mo na..." he shrugged and then continued eating.

Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Hindi ko alam bakit nahiya ako noong sinabi niya iyon na parang wala lang. I mean, sanay naman ako sa ganitong mga confession na out of nowhere but with Maverick, iba ang nararamdaman ko.

Tumikhim ako. "Kailan mo pa ba naramdaman 'yan?"

Ngumiti siya bago sumubo ng kanin tsaka nagsalita. "Noon pa."

I rolled my eyes at him. "Kailan nga?"

He smiled before leaning closer to my ears to whisper something. "Na-love at first sight ako sa 'yo." Sinipa ko ang binti niya sa ilalim ng table. "Aray! Grabe ka naman..."

"Love at first sight?" tanong ko nang nakataas ang kaliwang kilay. "Mukha mo, tigilan mo ako."

He chuckled as he shifted from his seat. "Pero first day ng school nga ako nagka-crush sa 'yo. Noong nagpapakilala ka."

Nakakunot ang noo ko nang inaalala ang araw na iyon. Ano bang ginawa ko noon na nakakuha ng atensiyon niya?

Late ako no'n, eh... 'yun lang ang natatandaan ko. Pero kaonting minuto lang! I had a hangover back then because I went to party with my friends the night before that.

"First day na first day, late ka. Pinagalitan ka ng prof natin kasi para daw sa kaniya, first impression lasts, kaya daw mali daw ang ginawa mong 'yon."

Napangiti ako nang naalala ko nga iyon. May ginawa at sinabi ako noon na hindi ko naman dapat ginawa, eh. I actually remembered what I told the Professor, though. Kita ko kasi ang asar na tingin sa akin ng mga kaklase ko na parang sinasabi nilang ang yabang ko no'n.

Wala namang mali magyabang. At hindi ako nagya-yabang. I'm just stating my opinion that time and what I believe. Kapag talaga wala sa kanila ang mga bagay na binabanggit ng isang tao ay akala nila, nagya-yabang na. Bullshits.

"Sinabi ng prof natin na magpakilala ka na, at habang nagpapakilala ka ay wala man lang emosiyon na makita sa mukha mo. Tapos, ang talino mo magsalita, eh. 'Yun ang nakakuha sa atensiyon ko, na para bang pinakita mong mali ang prof sa sinasabi niya at ginagawa niya. Kita ko pa na tinaasan mo siya ng kaliwang kilay mo noon at ngumisi nang sabihin mo 'yung motto mo, ano na nga 'yon? Ang haba, eh."

I smiled before drinking from my glass of water, and started telling him my unforgettable rebut to my annoying professor.

"I believe that people who judge and shame someone by first impressions are close-minded people who lacks the ability to teach others, thus, lacks the ability to be the youth's mentor. There's more about a person than their first mistake, Professor. What if you'll make a mistake first thing today on being our professor? Should we judge you the way you do?"

Unchosen [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon