17

357 24 13
                                    

17:



Midterm exam was done, and so is the Valentine's Day.

Naging successful ang ginawa kong event sa department namin for that month, and also, that was the last event that I made as a Governor of Accountancy department. In a week, magsisimula na ang eleksiyon, and by that time, magiging president na ako ng student council kapag nanalo ako.

Yes, mananalo ako.

"I don't think she'll win," I heard my schoolmates from Architecture department whispered as I was campaigning in their department. "With that attitude?"

Hindi ko talaga alam kung ano ang attitude nilang sinasabi ko. I'm just showing my true colors. Gusto ba nila ay pina-plastic sila? Bakit ba ideal for them ang sobrang bait? Hindi ba't bothersome iyon?

Walang taong sobrang bait. Lahat, may itinatagong kasamaan. Nagkataon lang na inilalantad koi yon sa kanilang lahat.

"Yes, she may win because she's pretty but, not everyone liked her. Wala naman daw pakialam 'yan sa mga tao sa paligid niya. Boyfriend niya lang daw ang importante d'yan."

"True! Tsaka alam ko, may ex 'yan sa Med Tech department, 'yong niligawan daw niya." they all laughed.

"Patay na patay, pinili nang maging kabit."

"Really? Who told you!?" gulat na tanong ng isa.

"Yung kaibigan kong kaibigan din ni Jason. "

"Talaga?! Naging kabit siya?!"

"Yes, for years, she settled down to be the mistress. Ang pathetic lang."

Nag-init ang dugo ko nang marinig ang huling sinabi ng babaeng 'yon. Susugurin ko na sana ito nang hinila ako ni Bernard palayo roon. Tumingin ako sa kan'ya nang masama bago pumiglas sa hawak niya.

"Bakit mo ako pinigilan?!" naiinis na sabi ko.

"Hindi maganda sa image mo ang papatulan mo ang mga komento tungkol sa 'yo," he answered.

"Image? I don't care about this fucking image kung ganoon ang kumakalat! That's fucking false!" I shouted.

"Hayaan mo na muna. Palipasin mo na muna ang election..."

Umiling ako nang umiling.

"Pero mali mali naman ang pinagkakalat nila!" sigaw ko. "Hindi ko naman pinili 'yon noon! Niloko rin naman ako! Ako ang biktima ro'n!"

He sighed. "I believe you, pero walang magagawa ang pagpatol mo. Lalo ka lang masisira."

"Nagkakalat sila ng rumours na hindi naman totoo!" I said in an angry tone.

Nakita ko na nakukuha ko na ang atensiyon ng ibang estudyante pero wala akong pakialam. I just want them to stop the rumours they're spreading about me.

"Do you want to clear your name?" Bernard asked me.

"Of course!"

"Then win."

After he said that, he left me alone.

Nang matapos ang pangangampaniya ng partido ko sa iba't-ibang department para sa araw na 'yon ay dumiretso ako pauwi. Hindi ako nagpahintay kay Maverick dahil kailangan niyang mag-review, may quiz kami bukas sa Accounting 7.

I went home by 7:00 PM dahil may tinapos pa ako sa office ng student council at pagkatapos ay nag-review na sa bahay.

Hindi pa rin ako makapag-focus sa nire-review ko kaya naman napagpasiyahan kong tawagan ang mga kaibigan kong palagi kong kasama sa bar noon pa at nag-aya na mag-club.

Unchosen [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon