30

361 18 2
                                    

30:



Isang linggo ang nagdaan at nakuha na namin ang report grades namin. Kinuha ko ang grades ni Maverick at nakitang kasali pa naman siya sa Dean's Lister, pero hindi na nga siya kasama sa mga may full scholarship.

Nagkaroon siya ng 2.00 which is hindi puwede para sa full scholarship. Ilang taong nai-maintain ni Maverick ang grades niyang nagri-range sa 1.00 hanggang 1.75, at bigla lang mawawala 'yon dahil sa akin.

Sobrang selfish ko.

The only thing I'm glad about right now is the fact that Mav is still running for cum laude. Kung naging 2.25 iyon ay walang-wala na talaga siyang pag-asa.

Kinabukasan ay nag-enrol na ako at mabilis lang din naproseso dahil kapag first day ay kaonti lang naman ang nag-e-enroll. Maaga akong natapos sa pag-e-enrol, kaya naman dumiretso ako sa bahay nila Maverick kahit na alam ko namang wala siya do'n.

"Hello po," bati ko sa Mama ni Mav.

"Hello, anak. Wala dito sa Maverick," sabi nito sa akin.

"Naku, hindi po siya ang hanap ko." sabi ko. "May kukuhanin lang po sana ako sa kuwarto niya."

"Ahh, ano 'yon, anak? Halika, samahan na kita."

Sinamahan ako ng Mama ni Maverick sa kuwarto niya at hinanap ko ang clearance niya na nasa drawer ng study table niya.

"Kailangan lang po, Tita," sabi ko pagkalabas namin ng kuwarto ni Maverick. "Huwag niyo na lang pong sabihin sa kaniya na nanggaling ako rito, ha?"

"Bakit naman?"

I smiled. "Baka kasi isipin pa ako, Tita. Alam mo naman 'yung anak mo, masiyado akong iniisip. May trabaho na siya and doon na lang sana muna siya mag-focus."

She smiled. "Okay anak, sige."

"Sige, Tita. Diretso na rin po ako sa bahay."

Sumakay ako sa kotse kong hindi ko masiyadong ginagamit dahil mas gusto kong makasama si Maverick sa pagco-commute. Marunong naman akong mag-drive since I took a driving class before I started studying this course.

Since nasa akin naman na ang report of grades ni Maverick dahil kinuha ko na kahapon at hindi ko pa naibibigay sa kaniya dahil hindi pa rin kami nagkikita.

Muli akong pumila sa registrar para ipag-enrol siya, at nag-alibi na lang ako na nag-out of town na urgent, kaya kailangan ko siyang ipag-enrol.

I paid for all of his expense with zero balance. I know that he'll be angry, but, I don't want him to overwork his body. He can pay me back someday, which, I don't really need, and I don't really want him to do. Pero kung iyon ang paraan para hindi siya magalit, hahayaan ko na lang siya.

Another week have passed, hindi ko pa rin sinasabi kay Mav na nai-enrol ko na siya. Natatakot ako sa magiging reaction niya, knowing that his tuition fee is paid and all of the expense, including the books.

He'll be angry. But at least, I know that I did the right thing.

.

Thursday night, I received a call from Maverick, saying na maaga siyang nag-out sa trabaho, at papunta na siya sa bahay. Susunduin niya raw ako dahil gusto niyang magkaroon kami ng evening date, at bukas raw ay pupunta siya sa eskwelahan para mag-enrol.

Bigla akong nakaramdam ng sobrang kaba sa sinabi niya.

Naligo ako at nagbihis. Habang nagpapalit ng damit ay tinawag ako ni Manang at sinabing nand'yan na nga raw si Maverick.

Unchosen [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon