05

396 22 3
                                    

05:



Nang makarating ako sa workplace ni Maverick, nakita kong suot na niya ang uniform niya at nagre-refill siya ng lollipop sa counter. Napangiti ako nang makita kung gaano siya kaseryoso sa trabaho niya.

Pumasok ako sa loob at binati niya ako.

"Good afternoon po."

I smiled at him. Kita ko ang gulat sa kaniya noong makita ako.

"Sinabi ko naman sa 'yo na pupunta ako, 'di ba?" I said. "Bakit mukhang nagulat ka?"

Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Hindi ko alam, pero sa tuwing nakikita kita, parang bago pa rin nang bago para sa akin." He chuckled. "Hindi pa rin yata ako sanay nang malapit sa 'yo."

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. "Bakit?"

"Ang kumportable na kasi ng buhay mo. Parang...parang hindi nababagay na maging kaibigan mo ako."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niyang iyon. Why does he keep on saying those things when...he's all that I want to be with, as a friend, and even more than that? I would never let him come near me if I am thinking the same as him.

"Maverick, kahit kailan, hindi ko naisip ang bagay na 'yan. Bakit mo naiisip 'yan?"

He laughed. "Wala, wala. Sorry sa mga sinabi ko. Hindi na mauulit."

Naiinis man ay nagbuga na lang ako ng malalim na buntonghininga bago kumuha ng ice cream at dinala iyon sa counter para bayaran. P-in-unch niya ito at ako naman ay binayaran ito.

"Bakit mo naman naisip na puntahan ulit ako dito?" tanong niya matapos akong suklian.

Nagkibit-balikat lang ako at naglakad sa malapit na table at naupo ro'n, bago sumagot at binuksan na ang ice cream." Wala lang. Ayaw ko pa kasing umuwi, eh. Alam mo namang wala akong ginagawa doon kung hindi mag-aral. It's too early to study, though."

I took an ice cream with the wooden spoon he gave me and eat it. Napangiwi ako sa pangingilo ng ngipin dahil sa lamig ng ice cream pero hindi ko na iyon pinansin pa.

He grinned. "Malapit ko nang isipin na ikaw ang may crush sa akin, Tori."

I laughed. "Ewan ko sa 'yo, Maverick."

"Mas marami ka pa ngang nagawa para sa akin, eh. Ano bang nagawa ko para sa 'yo?"

Napatigil ako sa pag-kain ng ice cream dahil sinabi na naman niya iyon. I don't even count what I do to him; he shouldn't do that too. At hindi ko naman siya hinihingian ng tulong.

"Bakit ba iniisip mo 'yan? Bakit mo nasasabi 'yan?" iritang tanong ko.

"Hindi ko alam... siguro dahil habang tumatagal na nakikilala kita, mas lalong lumilinaw sa akin kung...gaano ka kataas."

Tumingin ako sa kaniya at nakita ko ang maliit na ngiti niya. Napabuga ako ng malalim na buntonghininga.

"Maverick, tingnan mo nga ako. Ano bang nagustuhan mo sa akin?"

Pumangalumbaba siya sa table niya at tinitigan ako nang may ngiti sa labi.

"Bukod sa maganda ka, may makeup man o wala, gustong-gusto ko kung paano ka ngumiti. 'Yung makeup na suot mong halos wala rin naman dahil natural na ang ganda mo. 'Yung mataray mong itsura na mas pinataray pa ng mukhang usok sa mga mata mo... 'yung labi mong manipis na pinapupula ng lipstick mo. Pero ang paborito ko sa lahat ay ang nunal sa gilid ng kanang mata mo na nagpapahiwatig kung gaano ka katalino."

Unchosen [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon