49

454 20 0
                                    

49:



Christmas and New Year has finally ended—so is the Valentine's Day.

It's been few months since Mav and I made it official that we're back together. Mary is very happy for the news I gave him, and I am happy that she's actually now planning for the wedding. I feel so excited! Sabi ko ay ako ang maid of honor, hindi ako papayag na hindi!

Pero of course, biro lang iyon. Siya pa rin ang bahala sa lahat.

Noong nakaraang ay lumabas kami ni Anna nang makita ko siya sa munisipyo. T-in-ext ko si Mav at Gian na kasama ko siya kaya naman dumiretso kami ng bar. Ang tangang Gian naman ay naniwalang hindi pa kami nagkakabalikan ni Maverick. Pinalabas talaga namin iyon, dahil lagi kaming pinagti-tripan ng isang iyon!

Naniniwala rin kasi siya na kung magkakabalikan kami ni Mav ay diretso kasal na. Gulat na gulat si tanga nang mapagtantong nagkabalikan na nga kami. Pati si George ay hindi rin kaagad nalaman na nagkabalikan na kami ni Maverick dahil busy siya sa paghabol niya kay Anna. Hanggang ngayon ay naghahabol pa. Buti nga sa kan'ya!

Though I really think that George deserves the second chance, I understand Anna's decision if ever she doesn't want to get back with him. Pero mukha namang mahal niya pa si George. That is very evident in her face.

"Aren't you going to get married, Victoria? You already turned 30," Kuya Vlad said when I went home one night for a family dinner.

I scoffed. "Ikaw nga 33 na pero naghihintay pa rin sa may asawa," I shrugged as I continued eating. Umirap naman siya.

"Iniisip lang ng Kuya mo na baka magbuntis ka nang hindi kayo kasal ni Maverick," sabi ni Mommy. Nag-init ang mukha ko ro'n. "Tori, ina ako. Hindi ka man magsabi ay alam ko ang mga ginagawa mo."

Tumawa naman si Papa bago uminom ng tubig sa baso. "I can't wait for my children to get married. Akala ko nga ay maaga kang mag-aasawa, Victoria," Papa laughed heartily.

I rolled my eyes before drinking my water. "I don't rush. Huwag niyo akong madaliin. At isa pa, Mav and I are making sure that everything's fine. Mag-resign na muna ako bago kami magpakasal."

Tumango si Kuya. "Tama 'yan. Tulungan mo kami ni Papa sa negosyo."

"Tori, why don't you resign? Puro naman buwaya ang mga tao r'yan sa trabaho mo."

I smirked. "Lapit na, Mommy."

Nagbuntonghininga si Mommy. "Are you sure you're not yet pregnant? Ang tagal niyo nang nagbalikan ni Maverick."

I laughed as I felt my face started to heat. "Mommy, hindi po! Hindi naman kami magkasama ng bahay ni Maverick, ah? Madalang kami magtabi, huwag kang mag-alala," muli ay tumawa ako nang tumawa.

Parang mga sira, siguro ay nakitang fresh na fresh ako! Halatang-halata naman kasi sa pagka-blooming ng isang tao kapag alagang-alaga sa sex!

Nagbuga ng buntonghininga si Papa. "Mabuti na lang at nagkaayos kayo ni Maverick. I don't see anyone better than him, though."

"Paano kasi ay CPA na, Lawyer pa," Mommy laughed.

I shrugged as we continued eating while talking about Maverick. Sigurado akong nabubulunan na iyon.

"Invite him once, okay? We missed him too, hindi lang ikaw, Tori," sabi ni Mommy.

Tumango na lang ako at itinuloy ang pakikipag-kuwentuhan sa kanila. Kung kumakain si Mav ay sigurado akong nabilaukan na iyon.

Unchosen [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon