18

338 22 25
                                    

18



Kinabukasan ay muntik na akong na-late dahil sobrang tinanghali ako ng gising. Buti na lang ay tinawagan ako nang tinawagan ni Maverick para magising ako.

Pagkarating ko sa first period ng klase namin ay nakita kong sumunod na sa akin ang Professor.

"Good morning, future accountants."

"Good morning, Professor." We greeted back.

"Keep your notes now; we'll start our quiz in a minute."

Napanganga ako bago lumingon kay Mav na ngayon ay nakatingin lang din sa akin.

"Anong tinitingin mo d'yan?" masungit na tanong niya.

Grabe naman ito magalit.

"Hindi ako nakapag-review."

Umirap siya dahilan para mapanguso ako. "'Yan, bar pa."

I almost cried. This is the first time that I'll be taking a quiz that I didn't study at home. Paano kung bumagsak ako? Hindi naman ako puwedeng mangopya lang at baka masira ang reputation ko bilang isang top student ng department namin. Pero hindi ko rin puwedeng ibagsak 'to dahil baka...baka mawala ako sa running for summa cum laude. Mataas ang percentage ng quiz sa lahat ng subjects dito kaya hindi namin puwedeng balewalain na lang.

"Turuan na lang kita," Mav whispered as he passed the papers at the back.

Umiling ako at sinimulan ng sulatan ng pangalan ang answer sheet ko.

"No, I can do this."

"May hangover ka pa," he whispered again.

"I said I can do this, Mav." I said in a serious tone. "Don't look down on me just because I didn't refresh the lessons last night."

Hindi ko na siya pinansin at nag-focus na lang sa problem na ibinigay sa amin at sinagot ang mga tanong.

It's hard—fucking hard. Lalo na kung ganitong sumasakit pa ang ulo ko dahil sa alak.

I know that it's also my fault for drinking last night instead of studying, but, I can't focus last night too. What am I supposed to do? It was the last resort I think of. Kinuha ko na ang scientific calculator ko sa bag at nagsimula nang mag-compute.

Makalipas ang mahigit isang oras ay natapos na ang quiz namin at nagsimula na siyang mag-discuss ng bagong lesson sa Accounting 7. I couldn't even focus too. I think I'll just study on myself later at home.

Hindi pa rin ako makapaniwalang hindi ako sigurado sa mga isinagot ko ngayon kahit na balanse naman. Pakiramdam ko ay may mali; pakiramdam ko ay may nakalimutan ko.

Nang matapos ang klase para sa unang subject, mayroon kaming vacant na isa't kalahating oras bago ang susunod na klase.

Nauna akong lumabas ng room at hinayaan ko si Mav na sumunod sa akin.

"Ano? Ikaw pa ang galit ngayon?"

Hindi ko siya pinansin. Hinayaan ko lang siyang sumunod sa akin papunta sa cafeteria.

"Sinabihan kita noon na huwag mag-bar nang hindi ko alam o nang hindi ako kasama, Tori. Ngayon ikaw ang magagalit sa akin dahil hindi ka nakapag-review?"

Ibinaba ko ang gamit ko sa bakanteng table na nakita ko sa cafeteria at hinarap siya.

"Hindi ako galit, Mav. I just don't want to talk right now, can't you get it?" iritang sabi ko bago um-order ng pagkain na sa tingin ko ay makakapag-alis ng hangover ko.

Unchosen [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon