34

347 21 16
                                    

34:



Nagsimula na ang pasukan, at kahit na nasa iisang klase lang kami ni Maverick ay hindi niya ako pinapansin at hindi rin kinakausap kung hindi naman kailangan. I listened to Kuya. Baka kailangan nga namin ng time away from each other.

He started sitting on a seat far from me. I know that my classmates are speculating that something happened about us, and it's really bothering me. Ngayon lang ako nagkaroon ng pakialam sa iniisip ng mga tao sa paligid ko, at dahil iyon kay Maverick.

But whatever I feel, I didn't show anyone that I am affected with their stares and gossips. Mga duwag naman. Taasan mo lang ng kilay at titigan mo lang ay umuurong na.

Katapusan na ng June at wala pa ring pagbabago sa pakikitungo sa akin ni Maverick. It was so...boring. It was so boring to study without him. I don't feel the same excitement I had while studying.

But I still focused on studying. Anong mapapala ko kung pababayaan ko ang sarili ko, hindi ba? I know that I am heart broken by the fact that I don't have Mav right next to me anymore. I am still trying to get him back to me. I know that it's been more than a month since he broke up with me, but, hindi ako magsasawa. Aasa pa rin ako sa pangako naming dalawa.

I still take care of myself and my studies the way I always do while taking care of trying to get back with Maverick. Ito lang ang magagawa ko para sa sarili ko, and I am not one of the weak people who are always dwelling for it for so long, they forgot that they have their own life.

Habang naglalakad ako sa night market dahil gusto ko lang lumabas nang gabi at maglakad-lakad at magpahangin, nakita ko ang isang pamilyar na mukha na bumibili ng strawberry taho sa isang gilid. Naglakad ako papunta doon.

"Isa rin po," sabi ko at iniabot ang bayad kong thirty pesos na kinuha ko mula sa strawberry coin purse na binili sa akin ni Mav.

Mav na naman...

Lumingon siya sa akin at kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata niya.

Nang maibigay na sa kaniya ang taho niya ay tatakbo na sana siya palayo nang tinawag ko siya.

"Sige lang, Gian." I said.

He sighed as he turned around to face me again.

"Miss, ito na po."

Lumingon ako sa manong na nagtitinda ng strawberry taho at kinuha ang binili ko sa kaniya, tsaka nagpasalamat. Hinalo ko ang taho at naglakad papunta sa kaniya bago humigop sa straw ng taho. I really don't like the taste of it.

"Kailan ka pa nandito?"

"June 20," he said.

We started walking as we entered inside the Burnham Park.

I smirked. "It's been ten days since you went here." I said. "Alam kong wala na akong pakialam sa relasiyon niyo nung Mary, pero...alam niya ba na nandito ka?" He didn't answer so I laughed. "You ghosted her?"

Umawang ang bibig niya bago nag-iwas ng tingin. "What? No..."

"Then why are you here without her knowledge?"

He sighed. "Siya na rin naman ang nagsabi na wala naman kaming karapatan sa isa't-isa. Siya rin ang nagsabing...hindi naman namin kailangan na alam ang lahat ng bagay tungkol sa isa't-isa."

Napaigting ang panga ko sa galit dahil sa sinabi niya pero hindi ko na iyon pinakita pa sa kan'ya.

"So ano? Ayaw mo na ba sa kaniya? Did you find out what you really feel towards her?" I asked; he didn't answer. "Bakit feeling ko masamang balita ang pagdating mo rito?"

Unchosen [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon