04

410 25 0
                                    

04:



Mabilis na lumilipas ang panahon kapag kasama ko siya. Minsan ay gusto ko na lang patigilin ang oras kasi kapag kasama ko siya, nakikita ko na lang na gabi na pala. Ayaw ko pang umuwi; gusto ko pa siyang makasama.

I am the happiest, and I am the realest me when I am with him. Hindi ko na kailangan pang pilit ipakita ang pagiging maldita ko kasi wala naman siyang pakialam doon.

Napilit niya nga akong sumayaw noong acquaintance party kahit na ilang beses akong tumanggi sa kan'ya at sa lahat ng nag-aya sa aking sumayaw, eh.

Second year, second semester started, hinikayat ako ng isang prof ko na lumaban bilang Governor ng department namin. Noong una ay ayaw ko dahil sapat na ang mga obligasiyon ko sa organizations na kasali ako.

Pero naging interesado rin ako dahil mukhang masaya rin ang may posisyon sa department. Sabi ng prof ko, sa ngayon ay Department Governor muna ang pasukin ko. Sa susunod na taon ay lumaban na raw ako bilang Campus Chairman.

Hindi ko alam kung kaya ko ba ang obligasiyon na 'yon, kaya naman ang sinabi ko ay pag-iisipan ko na muna.

"Ano raw sabi?" tanong sa akin ni Maverick, na naghintay sa akin sa labas ng room nang pinaiwan ako ng prof namin, habang naglalakad.

"Lumaban daw ako sa campus election bilang Department Governor." I heaved a sigh. "Ngayon lang ako kinabahan sa buong buhay ko."

"Bakit ka naman kinakabahan?"

I smiled a little. "Ayoko ng pakiramdam ng natatalo, o ng nalalamangan. Competitive ako, Maverick. At once pumasok ako sa isang competition, kailangan kong manalo. Hindi puwedeng hindi."

Tumigil siya sa harap ko na nagpatigil din sa akin.

"Eh 'di manalo ka."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Hindi gano'n kadali 'yon. May reputasiyon ako sa eskuwelahang ito, noon pa. Sa dami ng nataasan ko ng kilay rito, sa tingin mo ay iboboto pa rin nila ako?" napailing na lang ako kasabay ng pagbagsak ng balikat ko.

Tumawa siya. "At least alam nilang totoong tao ka, at hindi nagpapakabait lang. Ituloy-tuloy mo lang ang nakaugalian mo sa kanila."

I scoffed. "Mahirap 'yon."

He smiled. "Kaya mo. Tutulungan kita. Nandito ako. Hindi ba't sabi ko naman sa 'yo noon, kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang ako?"

I smiled at him. "Sa tingin mo ba mananalo ako?"

"Oo naman! Sino pa bang ibang deserving na manalo dito? Wala nang iba kung hindi ikaw, Victoria."

Inirapan ko siya at nilampasan sa paglalakad. Here he goes again. Mas gusto ko kasi ang boses niya kapag Tori ang itinatawag niya sa akin.

"Ang ganda ganda ng pangalan, eh." bulong niya bago sumunod sa akin.

"Basta sabihin mong mananalo ako, Maverick, sisiguraduhin kong mananalo ako."

Naramdaman kong umakbay siya sa akin.

"Mananalo ka."

Tumingin ako sa braso niyang nasa balikat ko. Nang mapansin niyang nakatingin ako doon ay mabilis niyang inialis ito.

"Ah, s-sorry."

I smiled. "Bakit?"

"Masiyado na yata akong kampante, nakakalimutan ko 'yung mga limitasiyon ko."

Unchosen [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon