16

404 23 5
                                    

16:



The whole time na nasa Singapore ako ay wala akong ibang sinabi kung hindi gusto ko nang umuwi. Sobrang miss ko na si Maverick. Sabi nila ay hanggang January 1 lang kami rito, pero sumobra-sobra pa!

Lagi kaming magka-video call ni Maverick kapag wala kaming ginagawa sa Singapore, at mabuti na lang talaga at may mga kani-kanila silang lakad doon! Nagpapaiwan ako sa bahay para kausapin si Maverick.

"I missed you," he said. "Two weeks na."

"I missed you, Mav. Sobra. I want to go home with you."

He chuckled. "Be patient. Nandito lang naman ako."

I smiled at him. "Nakakainip kasi rito. Hindi ko nadama ang pasko at bagong taon," I sighed. "Ewan ko ba kay Papa, kung saan saan pa nagpapasko..."

He laughed. "He wants to spend his whole time with his family...with you. Just let him. Kapag nakauwi ka naman ay sa akin ka na ulit."

Tumawa ako bago inilapit lalo ang mukha ko sa screen. "Iyong iyo."

He chuckled. "You want, huh?"

Sumimangot ako. "It's been two weeks. I really missed you and your kisses..."

He laughed. "You'll be spoiled with those when you come home..."

Isa iyon sa mga rason kung bakit excited na excited akong umuwi ng Pilipinas. Hindi ko man lang nagawang sumimangot the whole plane ride home dahil wala akong ibang nasa isip kung hindi si Maverick lang.

Sobrang bored ko kasi those whole two weeks in Singapore.

Yes, it was nice to have your whole family with you, but I don't like that I don't really feel the Christmas in other countries. Iba pa rin dito sa Pilipinas.

Hindi ko rin alam kung anong magic ang ginagawa ni Mama, na every year, nagagawa niyang makapag-vacation leave sa trabaho nang may ganoong okasiyon. Samantala noon, lagi siyang naka-duty kahit Pasko. Maybe that's one of the reasons I became a Papa's girl.

Papa may be busy with business but at least, I always saw him inside our house. Minsan kasi si Mama, sa hospital na natutulog dahil maraming pasyente, or kapag may surgery na inaabot ng 18 hours o higit pa.

Nang tuluyan na akong makauwi ng Pilipinas, kahit may kaonting jetlag ako, dumiretso ako sa bahay nila Maverick. Hindi niya alam na ngayon ang uwi ko, kaya isu-surprise ko na lang siya.

Nang makarating ako doon, nakita ko ang nakababatang kapatid niya na nasa labas. Malaki pa ang ngiti niya nang makita akong naglalakad ako papunta sa kaniya.

"Ate—"

Pinatigil ko siya sa pagsasalita nang sa ganoon ay hindi malaman kaagad ni Maverick na nasa bahay nila ako.

"Hi, Mae! Regalo ko sa inyo ni Ate mo. Pati ni Mama at Papa mo." I said as I gave her four paper bags. "Nasaan ang Kuya Maverick mo?"

"Nasa kuwarto po. Nag-aaral." Sagot niya.

"Okay. 'Yung Mama at Papa mo?"

"Umalis sila, Ate. Magdi-date yata," she laughed.

"O, sige. Puntahan ko na si Kuya mo, ha?"

"Okay, Ate! Thank you po sa regalo."

"You're welcome!"

Hinubad ko ang suot kong sandals at sinuot ang indoor slipper ng bahay nila. Tahimik akong naglakad sa hagdanan at dahan-dahang binuksan ang pintuan ng kuwarto ni Maverick. Nakita ko naman na nagbabasa siya ng aklat sa Law kaya naman napangiti ako.

Unchosen [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon