20

354 24 13
                                    

20:



Kinabukasan, kahit na walang klase sa umaga dahil sa campus election, maaga pa rin akong pumasok. Kailangan namin ng last minute meeting para sa kung ano man ang magiging resulta ng botohan mamaya.

Every student of this university needs to vote kaya kahit na walang klase sa umaga, pumapasok pa rin sila para bumoto. Ang iba nga ay ayaw raw bumoto dahil wala naman daw kwenta ang mga student council at puro pa-cute lang, pero base sa handbook ng school na ito, bawal balewalain ang election.

Para itong traditional election ng bansa na hinahanap ang record at precinct nila para makaboto, at nilalagyan silang ink sa kuko nila.

Nauna na akong nakaboto kasama ang mga ka-partido ko, at nag-stay kami sa office namin sa department. Hindi kami puwedeng maging malapit sa mga estudyante dahil baka isipin ay nangangampaniya pa kami. Bawal na kasi 'yon kaya we stayed inside the office.

"Do you think you'll win?" tanong sa akin ng Geah.

"Oo naman, 'no." I answered as I take a bite of my sandwich. "I never lose, Geah."

She smirked. "Do you still think that you're going to win? Alam mong laman ka ng chismisan ngayon dahil sa ginawa mo sa bar at sa nakaraan mo."

Napairap na lang ako dahil si Gwy ang papalit sa akin sa posisyon ko bilang Governor ng Accountancy, at siya rin ang kalaban ko last year na natalo ko in a landslide vote. She was from different block so we never really got along.

"I still don't understand why my personal life is related to this election. As far as I remember, hindi ba't hindi na dapat nadadamay ang personal na buhay ng isang tao para lang sa eleksiyon sa loob ng eskwelahan?"

She smirked again. "It's your fault, you're not being careful. Alam mong hindi mo mapipigilan ang mga tangang tao na ungkatin at pakielaman ang buhay mo."

I scoffed. "Kaya pala pinakikialaman mo ako," I sarcastically said before I gave her a glare and continue my line. "Kasi tanga ka."

Sasampalin na sana niya ako nang pinigilan siya ni Bernard. "Stop it, what the fuck..."

I smirked when I saw how I defeated her with my words. "Sa 'yo nanggaling ang mga salita mo, Geah. Sakto lang na nangingialam ka."

I continued eating my sandwich as I heard her talk again.

"You deserved to be on the slump, Tori."

I looked at her. "Okay lang, at least hindi ako kasing tanga ng isdang nahuhuli sa sariling bibig."

After I said that, tumayo na ako at iniwan siyang nangingilid ang mga luha. Sobrang iyakin naman ng babaeng ito. Kung iiyak siya nang dahil lang sa salita ko, wala siyang karapatang maupo sa posisyong iiwan ko.

Nadaanan ko pa ang ilang estudyante na nakatingin sa akin at halatang pinag-uusapan ako. Umirap ako sa kanila at hinawi ang buhok ko bago sila nilampasan.

Matapos kong bumisita sa room ng professor ko nang pinatawag ako ay bumalik ako sa opisina panandalian. Nang makita ko ang mga tingin ni Geah ay lumapit ako sa kan'ya.

"Ano?" tanong ko. "Magsalita ka, hindi 'yung tingin ka lang nang tingin. Butthurt? Ikaw nagsabi no'n. Ibinalik ko lang sa 'yo dahil saktong-sakto." I smirked.

"Tori, stop it." Bernard said as he pulled me away.

I scoffed again. "Kung iiyak ka nang iiyak dahil sa mga salita ko ay wala kang karapatang umupo sa posisyon ko, Geah. I hate crybaby bitches. Mga OA."

Unchosen [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon