06

366 23 3
                                    

06:



Nang mga sumunod na araw at linggo ay naging abala ako para sa campaign period para sa campus election sa ikatlong linggo ng February. Minsan ay gabi na akong nakakauwi kaya naman hindi na ako nahihintay pa ni Maverick kahit na gustuhin niya man dahil sa duty niya sa trabaho.

Nang huling linggo ng pangangampanya ay sagad na sagad na talaga ang pagod namin sa dami ng mga nilalakad namin, mga proyektong ginagawa tulad ng tree planting, fun run at kung anu-ano pa. Kaya sobrang sumusuko ang katawan ko.

Sa kabila ng malamig na hangin ay hindi maiwawaglit ang pagod sa akin.

"Kita-kita na lang tayo sa Lunes!" pagpaalam sa amin ng tumatakbong Campus Chairman bago ito umalis.

Lumabas na kami ng campus at ngayon pa lang ay gusto ko nang mahiga sa kama. Paglabas ko ng gate ay nagulat ako nang makita ko si Maverick doon, nakatayo. Nakangiti siya sa akin at mukhang kanina pa naghihintay doon.

Ngumiti ako sa kan'ya at lumapit, tsaka yumakap. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ko siyang alalayan ako sa pagkakatayo dahil sobrang nanlalambot na ako.

"I'm so tired..." I said in my sleepy voice.

He chuckled. "Okay, rest first..."

Hindi siya gumalaw; sa halip ay niyakap niya lang ako sa gitna ng mga naglalabasang estudyante, at pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin. I sighed as I felt the comfort I've wanted to have the past weeks.

"Bakit nandito ka?" I asked while my eyes are still closed, feeling so sleepy.

"Nagpaalam akong hindi makakapasok kasi hindi na kita nahihintay umuwi. Pasensiya na, ah?" he said.

I chuckled as I hugged him tighter. "Thank you, Mav. This means so much..."

Tumango lang siya at mas lalo akong niyakap.

Ilang minuto lang, nang makaramdamang nakapagpahinga na ako nang mabuti ay kumalas na ako sa yakap. Medyo madilim na ang kalangitan.

"Gusto mong kumain?" tanong niya.

Tumango ako. "Tara?" naglahad siya ng kamay sa akin. Tinanggap ko iyon tsaka kami naglakad nang magkahawak ang kamay.

Pumasok kami sa isang restaurant malapit sa school. Pinaupo na lang niya ako at hindi na pinatayo pa dahil siya na lang daw ang bahalang mag-order para sa aming dalawa. Ilang sandali lang ay bumalik siya nang may dalang number.

"Anong in-order mo?" tanong ko.

"Lasagna," he smiled. "Favourite mo."

I smiled. "Thank you," kinuha ko ang wallet sa bag ko, "Magkano?"

Umiling siya. "Libre ko," he smiled as he lean on his seat.

Napabuntonghininga ako. "Mav—"

"Tori, minsan lang naman. Hayaan mo na ako..."

Napabuntonghininga na lang ako at ngumiti sa kan'ya.

"Okay, then..."

Pinagkuwentuhan lang naming dalawa ang mga ginawa ko sa campaign, at sa kung ano pa ang mga susunod na gagawin ng buong partido para sa susunod na linggo. Iyon na kasi ang last week ng campaign, and after that, election na.

I'm nervous but I'm confident that I'll win.

"You'll win," he said with reassuring smile. "Your opponent is not even half as good as you."

Unchosen [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon