09

352 19 0
                                    

09:



Muntik na akong ma-late sa school kinabukasan. Buti na lang at tinawagan ako ni Maverick para gisingin. Ang lala ng hangover ko, and I don't think I can focus on school today.

But still, I cannot be absent without a more valid reason. Kasalanan ko naman talaga na nagkaroon ako ng malalang hangover; hindi ako uminom nang naaayon lang sa dapat lang inumin. Napasobra ako kasi na-miss ko rin ang gano'n.

"Are you okay?" tanong sa akin ni Papa.

I nodded. "Okay lang ako, 'Pa."

"Kaya mo bang pumasok? You don't look okay."

I smiled. "Pa, okay lang ako. Trust me."

"Okay, then. Let's eat."

I missed Mom and Kuya. Kapag ganitong pagkakataon ay pinagluluto nila ako ng soup para sa hangover ko. Ngayon ay wala. Busy si Mom sa hospital dahil may medical missions sila sa Mindanao and they need to stay there dahil hindi lang isang lugar ang tutulungan nila. While Kuya, well, nasa company ni Daddy iyon nagta-trabaho at may sarili namang unit 'yon.

Matapos kong kumain ay inihatid ako ni Papa sa university. Sabi ko nga ay magbu-bus na lang ako o magdi-drive, kaso ay alam niyang hindi ako talaga okay kaya hindi siya pumayag na hindi niya ako ihahatid.

I have always been a baby for him. I'm a Papa's Girl, though I would call myself more to be a Kuya's Girl.

Pagka-scan ko ng ID ko sa entrance ng school ay nakita ko ang isang taong hindi ko inaasahang makita. He should be in a hospital, right? He should have a duty. Anong ginagawa niya sa school?

He smiled at me. "Congrats...Governor."

I just looked at him like I didn't care, and then past by him. I mean, why would he congrats after all the damage that he caused me? That idiot cheater.

It's been years since I was fooled. I won't be fooled for that same smile again.

Nang makarating ako sa room ay nakita ko si Mav na nandoon na at nagmamadaling nagsusulat ng kung ano.

"Ano 'yang ginagawa mo?" tanong ko nang makita ko iyon.

"'Yung report ko sa PolSci mamaya."

Bahagya akong ngumiti sa kaniya. "Tumigil ka na d'yan at magpahinga, ginawa ko na 'yan, noong isang araw pa."

Inilabas ko ang bondpaper sa bag ko na may sulat ng kamay ko tungkol sa paliwanag ng chapter na ire-report niya.

Nakakunot ang noo niyang tinanggap iyon. "Bakit mo naman ginawa?"

I shrugged. "Nagwo-work ka, eh. I'm just worried you won't be able to do it. And I'm right."

Kita ko ang dismaya sa kaniya nang sinabi ko iyon.

He sighed. "Tori, you don't need to do everything I am not sure I'll be able to do."

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. "What? Ako pa ang may mali? I'm just doing this for you." naiinis na bulalas ko. "I'm worried about you."

Nagbuntonghininga si Maverick at pagkatapos ay binuklat ang mga papel na inilagay ko sa table niya bago tumingin sa akin. "Ito na 'yung huling beses na gagawin mo ito nang hindi ko alam."

I just shrugged at him.

Matapos niyang sabihin iyon ay niligpit na niya ang gamit niya at ang binasa na lang ay ang ginawa kong report para sa kaniya. Ibinaba ko ang gamit ko sa upuan sa tabi niya at naupo.

Unchosen [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon