15

404 22 18
                                    

15:



Mabilis na lumipas ang araw, hindi namin namalayan na magpa-pasko na pala.

Mas naging madalas ang paglabas namin ni Maverick ngayong hindi na siya nagpa-part time job. Sabi niya ay sa bakasiyon na lang daw, tutal ay may mga naipon naman siya.

More than a week before Christmas, pumunta kami ni Maverick sa Baguio Country Club Christmas Village. Mura lang naman ang entrance kaya hinayaan ko na siyang magbayad para sa aming dalawa.

Noong pumunta kami ro'n ay nakita naming maraming mga namamasyal doon na tulad namin na magkasintahan, ang iba naman ay isang buong pamilya.

I've been here, pero pamilya ko ang kasama ko. This is the first time na boyfriend ko ang kasama ko.

We took photos together as we walked through this beautiful Christmas Village.

Iba talaga ang ganda kapag gabi kang pumunta. Nagniningning ang mga Christmas lights na talaga namang pinaliwanag ang kabuuan ng lugar.

"Akala mo naman totoong snow," Mav said as he chuckled.

Nakita niya kasi ang mga batang tuwang-tuwa sa artificial snow na bumabagsak. Pati naman ako ay natutuwa. Siyempre, tuwing nasa ibang bansa lang naman ako nakakaranas ng snow. Not that I love snow kasi may pagka-sipunin talaga ako kaya 'di ko nae-enjoy 'yon, pero maganda talaga ang snow.

Noong nasa Japan ako dahil doon kami nag-celebrate ng pasko, naglilibot ako noon sa Shibuya nang biglang nag-snow. Sobrang lamig ng panahon, pero ang ganda tingnan na nyebe ang bumabagsak mula sa langit at hindi tubig.

"Alam mo ba palagi akong sinisipon tuwing naaabutan ko ang snow sa ibang bansa?" pagkukwento ko kay Maverick nang bigla kong maalala 'yon.

Ipinatong niya ang kamay sa ulo ko at bahagyang ginulo ang buhok ko. "Kawawa ka naman, 'di mo pala nae-enjoy ang snow." He laughed.

"Pero kung tayong dalawa naman ang magkasamang maglilibot sa bansa at mag-i-snow, siyempre, kaya kong tiisin 'yon, 'no." Kumapit ako sa braso niya at patuloy na naglibot sa kabuuan ng Christmas Village. "Kapag may work na tayo, punta tayo ng Japan? Let's play on a snow together."

He chuckled. "Ang mahal naman ng pamasahe do'n, love."

"Then I will p—"

He kissed me quickly to stop me from talking. "No, love. We will go but I will pay."

Natawa na lang ako sa ginawa niyang 'yon.

"Kailan ang alis niyo ng family mo?" tanong niya sa akin.

"Sa 21 pa, love. May three days pa tayo."

Sa Singapore daw kami magce-celebrate ngayon. Mas gusto ko sanang dito na lang sa Pilipinas sa pasko kasi madalang kami mag-celebrate dito. Kaso ayaw ni Mama. Sayang lang dahil mas ramdam ko ang pasko dito kahit na walang snow. Ayoko rin kasi sa ibang bansa ay 'yung pasko na nga pero nagta-trabaho pa rin sila.

Pero sa pagkakaalam ko, may parte lang ng Singapore ang nag-i-snow. Hindi ko alam kung saan 'yon. Isang beses pa lang akong nakapunta doon.

"Okay, love. Saan mo gustong pumunta bukas?"

"Session Road?" I chuckled. "Gusto kong mag-bar doon, love. Miss ko na."

Pinitik niya ang noo ko dahil sa sinabi ko. "No bar, okay?"

I chuckled. "Kasama naman kita, ah?"

"Kung kasama mo ako, sige. Pero kung ikaw lang, huwag na huwag kang magba-bar, ha?" I nodded. He became serious as he continued talking. "I don't want to witness that same...sight again."

Unchosen [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon