31

345 18 3
                                    

31:



The next day came, I was so anxious.

Pagkagising ko ay nag-text sa akin si Maverick na papunta na nga raw siya ng campus. I told him to take care and see each other later, after he's done with enrolment.

I was so anxious the whole day. But even though I don't feel fine, I still made myself ready for all the consequences for not listening to him.

Sigurado naman akong hindi niya ako iiwan. I'm confident about this. Hinding-hindi niya ako iiwan sa mababaw na dahilan na ito. Masiyado niya akong mahal, alam ko 'yon.

But, what makes me anxious the most is that...I don't want him to get angry at me. Hindi ko kaya.

Naghintay ako buong araw pero wala akong na-receive na text galing sa kaniya. We still have a month before we came back to school so he still has a month to work full time.

Oras na para matulog pero wala pa rin akong nakuhang text o tawag mula sa kaniya. Takot na takot ako, kasi alam kong sa mga oras na 'to...alam na niya kung anong ginawa ko.

Kinabukasan ay pumunta ako sa bahay nila nang maaga at sinabi nga na hindi raw umuwi kagabi si Maverick. Kanina umaga raw ay umuwi pero umalis din agad para pumasok sa trabaho.

Alam niyang pupunta ako... umiiwas siya. He's angry at me so much, I know that.

"K-Kumusta naman po siya?" nag-aalalang tanong ko.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ng kaniyang Mama.

"Huh? Okay naman siya, anak. Bakit mo naitanong?"

Umiling ako. "Wala po, Tita. Sige, alis na po ako."

I checked the time on my wrist watch and saw that it's already 10:30 in the morning. I drove to SM Baguio to go to his workplace at McDonald's. Nakita kong may mga customer na nakapila roon, pero hindi ganoong marami.

Pumasok ako doon at pumila. Hindi ko rin naman alam kung ano ang oorderin ko. Inikot ko ang paningin ko at nakita ko siyang nagsi-serve ng mga order, at naglilinis ng table.

When he's done wiping the table, he stood straight to walk, but stopped when he saw me. Lalapitan ko na sana siya at kakausapin pero hindi ko na naituloy nang iniwas niya ang tingin niya at tinalikuran ako para maglinis ng ibang table.

"Good morning, Ma'am! Welcome to McDonald's! May I take your orders?"

Napalingon ako sa babaeng cashier at nakita kong ako na pala ang oorder.

"Hotcakes," I said. "And a hot coffee."

Tumango ang cashier at sinabi ang mga orders ko habang nagtitipa sa screen ng computer. I looked again at Mav's place to see if he's there but he wasn't anymore.

"Your order will be served in five minutes, Ma'am. Okay lang po?"

Tumango ako at kinuha ang sukli at ang number ng table tsaka naghanap ng bakanteng puwesto. Naupo ako sa tabi ng glass wall na for two person lang ang table at hinanap ulit ng paningin ko si Mav.

Ilang sandali pa ay nakita kong may hawak siyang tray at papunta siya sa gawi ko. He has no reaction when he saw that the order he's delivering is for me. He didn't look angry, but it's clear in his face that he don't want to see me.

"Mav," I called him as he put my orders on my table. "Mav, talk to me."

He didn't talk—he just left me without a word.

Unchosen [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon