43

426 20 3
                                    

43:



Simula noong araw na nagkita kami ulit ni Maverick ay naging conscious na tuloy ako sa mga damit na isinusuot ko, maging sa itsura ng makeup ko. Isang linggo naman na noong huling araw na magkita kami, at paminsan-minsan ay nagti-text siya sa akin.

Binigay ni Gian ang number ko! Lintik na 'yon!

Sumakay ako ng elevator pababa sa underground parking lot ng building ng condo unit. I went out of the elevator when I arrived at the underground parking lot. Pinaiikot ko sa daliri ko ang car key ko habang naglalakad sa pinagpa-park-an ng sasakyan ko nang mapahinto sa taong nakaupo sa hood ng Honda Civic na itim.

"M-Mav."

He smirked before walking towards me. "Good morning," he greeted. I just nodded. "I'll drive you to your workplace."

I rolled my eyes. "Hindi na. I have my own car."

Paalis na ako ro'n sa kinalulugaran niya nang bigla ay hinila niya ako at sapilitang isinakay sa sasakyan. Padabog kong ikinabit ang seatbelt ko habang nakatingin nang masama sa kan'ya habang sumasakay siya ng driver's seat.

He laughed. "Ano bang init ng ulo 'yan, magpa-pasko na, eh."

He started the engine. "Anong connect ng init ng ulo ko sa pagpa-pasko, Maverick?"

He smirked before driving away. "Hindi ka pa rin nagbabago," he laughed. "You're still the feisty woman from college. Lahat na lang ay dahilan ng init ng ulo mo."

Ang iniinit ng ulo ko rito ay bakit ngayon lang siya nagpakita?! Isang linggo akong nagpapaganda para sa kan'ya tapos ngayon lang siya ulit magpapakita?

"Talaga. Dumagdag ka pa!" I rolled my eyes at him.

Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ko. Bernard is calling. Aba, himala?

"Hi," I answered the call. "Kumusta?"

He chuckled. "Ikaw, kumusta? Where will you be in Christmas? I'm going home for holidays. I want to spend some days with you."

Hmm... saan nga ba kami sa pasko?

"Hindi pa ako sure but I can decline my family for you," I chuckled. "I'm a big girl, hindi na nila ako kailangan doon."

He laughed. "Really? Okay, let's see each other next week. I miss you."

I smiled. "I missed you too. See you."

After that, I ended the call and put the phone back inside my bag. I heard Maverick's tss.

"Friends, huh?" I looked at him and he looked very annoyed or angry at the road. "I want the same level of friendship. Hmm..."

Umirap ako sa kan'ya at hindi na siya pinansin pa.

I don't want that same level of friendship with him because I want more! Napakabagal mo naman, Maverick! Mag-a-asawa na ang kaibigan ko sa Zambales, at heto ako, single pa rin kahihintay sa kan'ya!

Nang makarating kami sa munisipyo ay huminto na siya sa pagdi-drive. Tinanggal ko na ang seatbelt ko.

"Thanks for the ride!" I opened the door of shotgun seat.

"I'll pick you up later."

"Hindi na. I can take a cab or call someone to pick me up," I shrugged. Umirap siya at hinila ako pabalik sa loob ng sasakyan. "Ano ba?!" irita kong bulyaw sa kan'ya.

"What's the difference if I am the one to pick you up? Gusto mo ba ay ang ibang friends mo?" he scoffed.

"I'm just doing you a favour. Ayaw ko lang makaabala sa 'yo."

Unchosen [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon