37

366 18 21
                                    

37:



The month of November started, and so is the class for the second semester.

November 12 ang birthday ng Kuya Vladimir ko. Tinanong ko siya kung ano ang gusto niyang ibigay ko sa kaniya bilang regalo pero wala naman akong nakuhang matinong sagot.

"Wala nga, Tori," he chuckled. "I just want you to be fine over your breakup with Mav. Good night."

I smiled a little when he kissed me on my forehead as he closed the door of the guest room of his condo unit. Ayaw niya raw umuwi at i-celebrate ng birthday niya so ako ang pumunta dito.

Kinabukasan ay maagang-maaga ko siyang ginising dahil birthday niya. I don't have a gift because I really suck at searching for gifts—noong bata lang naman ako magaling sa gano'n. Pero after my relationship with Jason, I already forgot how to look for a perfect gift for someone.

"Bakit?" sabi niya pagkabukas ng pintuan ng kuwarto niya habang nagkakamot ng ulo.

"Alis tayo, punta tayong Café in the Sky."

"Anong gagawin natin do'n?"

"Do'n tayo mag-breakfast."

"Ang layo, tinatamad ako."

I frowned. "Sige na, Kuya! Birthday mo naman."

Wala na siyang nagawa kung hindi ang magbuntonghininga na lang at bumalik sa loob ng kuwarto para maligo.

Kanina pa naman ako nakaligo. Magpapalit na lang ako ng damit at mag-aayos ng kaonti.

Nagsuot ako ng black skirt and white off shoulder blouse. I also wore a black wedge na one inch lang ang taas since for casual clothes lang naman talaga ito. I took my purse and phone from the side table.

Paglabas ko ng kuwarto ay nakita ko si Kuya na umiinom ng tubig sa kusina. He's wearing a black pants and dark blue V-neck shirt. Tumango siya at sinabing mauna na akong lumabas ng condo niya.

Lumabas ako ng unit niya at sumakay ng elevator. Pinindot ko ang underground parking lot since nandoon naman ang car ni Kuya.

When I got there, I searched for his black BMW and waited for him there. Ilang saglit lang ay nakita kong naglalakad na siya papunta dito habang pinaiikot ang key holder ng car key niya. Pinatunog niya ang sasakyan niya at ako naman ay binuksan ang pintuan ng shotgun seat.

"Why do you want to eat breakfast there? Wala namang espesyal sa pagkain nila do'n," he said before opening the door of driver's seat.

Sabay kaming sumakay ng sasakyan niya.

"The scenery is extra special there," I answered as he started the engine. "That way, your birthday can be extra special too."

Tinawanan lang niya ako bago nagsimulang mag-drive.

We talked about random things while we're in the car. Nagre-reklamo pa nga siya dahil ang hirap daw ng daan papunta sa Café in the Sky dahil pataas. Natatakot yatang masira ang BMW niya.

In less than an hour, nakita ko na ang signage na malapit na nga kami sa Café in the Sky. Binasa ko ang nakasulat.

Where heaven meets earth...

Ilang saglit pang na-stress si Kuya at nakarating na kami doon. I checked my watch and saw that it's 9:30 AM. May mga customers na kumakain sa loob no'n, pero alam ko naman na magkakaroon kami kaagad ng puwesto sa bandang balcony since kakilala ni Kuya ang manager dito.

Unchosen [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon