36

340 18 13
                                    

36:



In order to lose my focus on what Maverick told me the last time we talked, the last time we ate our lunch together, I did everything to study and get the highest scores, highest grades, and highest everything...like I always do.

He may not choose me now...he may not choose to be with me now, but the least thing I can do to myself in this kind of situation is to choose myself.

Gian once told me that I am a strong and independent woman, because he saw that I am still doing so well even without Maverick by my side.

Ano bang mapapala ko? Hindi rin naman babalik sa akin si Mav kung sakaling magmukmok ako, hindi ba? It may be painful now, but it will be more painful if I wouldn't choose myself this time, or if I take myself for granted.

I was studying at the library alone when Olivia sat in front of me. Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya, kasabay ng pag-angat ng kaliwang kilay.

"The fuck you need?" I asked, raising my left eyebrow.

She smirked. "Nothing," pumangalumbaba siya at tinitigan ako nang nakangisi. "I didn't know that the Tori Francisco that everyone looked up to is capable to beg for someone else's love."

Napalunok ako sa sinabi niya at nagwala ang puso ko sa galit, pero hindi ko iyon ipinakita sa kan'ya. I rolled my eyes at her.

"This just proves that you looked up to me too, huh?" I smirked. "I understand. You have all the reasons to look up to me too, Olivia. You should."

Nakita kong nagbago ang itsura niya sa sinabi niyang iyon at umayos ng upo, tsaka nag-iwas ng tingin.

"Masiyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo."

I chuckled. "Dahil mataas ang tingin niyo sa aking lahat," I glared at her. "Hindi ba? Kasasabi mo lang? Everyone looked up to," I smirked. "Ang mga tanga nga naman ay parang isda; nahuhuli sa sariling bibig."

Umirap siya at pagkatapos ay muli akong tinitigan nang nang-aasar.

"You begged for someone you acknowledged so low than you. I can't believe that. Tori begged for someone's love," she laughed in a low tone because we can't be loud in a library. "I suddenly feel bad that it was I, who he's always with now. Hindi ako ang lumapit, alam mo 'yan."

I chuckled as I rolled my eyes. "Hindi ikaw ang lumapit pero laging naghihintay para kunwari ay coincidence? Nakakahiya ka."

Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko. "W-What?"

I scoffed. "Alam mo naman palang naghahabol ako kay Maverick, eh 'di sana, alam mong alam ko kung ano-anong katangahan ang ginagawa mo. Pathetic move, Olivia. Masiyadong inggit?" I laughed.

Umirap siya bago muling nagsalita. "Ako na ang gusto niya ngayon. Kawawa ka naman. Ako na ang gusto at hindi na ikaw."

Nasaktan ako sa sinabi niyang iyon pero hindi ko ipinakita sa kan'ya. Sa halip ay tumawa ako nang mas mapang-asar.

"Mas nakakaawa ka, kasi lagi kang pangalawa," muli ay nanlaki ang mga mata niya. "Pangalawa sa akin sa acads, pangalawa pa kay Maverick," I chuckled. "Kawawa ka."

Nakita kong nangilid ang mga luha niya bago padabog na tumayo at nagmamadaling lumabas ng library. Tumingin sa akin ang ilang tao sa library at nagkibit-balikat lang ako bilang tugon, tsaka bumalik sa pag-aaral.

Susugod-sugod, tsaka sasabayan ng walk-out. Parang mga tanga lang talaga. Itinuon ko na lang ang sarili ko sa pag-a-advance reading ng lesson kaysa problemahin pa ang mga kabobohan nila sa buhay.

Unchosen [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon