50

530 20 1
                                    

R-18


50:



"Why don't you just sign this damn paper?!"

Umirap ako. "Bakit ko pipirmahan 'yan? Ballpen na isang box, mahigit fifty thousand? Hindi ako naging auditor ng expenses ng munisipyo para dito!" I talked back to the secretary of the politician I was under.

"Ms. Victoria, baka nakakalimutan mong empleyado ka lang dito at trabaho mong sundin ang utos ng mas nakatataas sa 'yo?"

Tumayo ako at humalukipkip sa kan'ya. "Hindi ko trabahong sundin ang utos mo. Trabaho kong itama ang mga discrepancy ng munisipyong ito, at ngayong nahuli ko, sasabihin niyo sa aking pirmahan iyan na parang wala akong nakitang mali?" I scoffed. "Hindi ako empleyado lang. Pamilya ko ang top payer ng tax sa buong Baguio. Isa ako at ang pamilya ko sa mga nagpapa-suweldo sa inyo at ng mga boss niyo, baka hindi niyo lang alam."

Narinig ko ang bulungan at kung anu-anong pagsinghap kasama ng mga katrabaho ko ngayong kaharap ko ngayon ang sekretaryang akala mo naman ay kung sinong mataas! Tuta lang naman ng isang buwaya! Padabog siyang umalis ng opisina, dahilan para bumalik ako sa pagkakaupo.

"Sabi ko na nga ba kamag-anak mo ang may-ari ng Blood Of Victories Inc., eh!" sabi noong baguhan na ngayon ay regular na, na kinikilig tuwing nginingitian ko, si Chelsea. "Hindi mo man lang sinabi sa amin!"

"Oo nga! Sobrang yaman niyo pala!"

"Kung alam ko lang, sana noon ko pa kinumpirma! Noon ko pa nararamdaman, eh!"

I shrugged. "Hindi pinagyayabang 'yong mga bagay na hindi naman ikaw ang naghirap. Wala pa naman akong naitulong sa kumpaniyang iyon para lumago nang ganoon, bakit ko ipagyayabang 'yon, 'di ba?"

Nagpalakpakan pa ang officemates ko at ni-reenact pa ang pagmamaldita ko kanina. Tawa lang ako nang tawa.

"Pero bakit dito ka nagtrabaho?" tanong ng kasabayan kong si Thelma.

"Wala lang. Adventure."

"Kailan ka magta-trabaho sa company niyo?" tanong ni Chelsea.

I chuckled. "Kapag nasisante na ako rito."

Sumimangot sila sa isinagot kong iyon, dahil alam ko naman na malapit ko nang makuha ang you're fired na mga salita. Ilang papeles na ba ang hindi ko napirmahan dahil nabibisto ko ang pangungurakot nila? Hindi ito ang unang beses na nakipag-sagutan ako sa mga sekretarya ng mga buwayang politiko. At hindi ako takot kahit na mismong politiko pa ang humarap sa akin.

Wala akong pakialam sa kanila.

Nang matapos ang trabaho ay dumiretso ako sa law firm kung saan isang corporate lawyer si Maverick. Though nagsisimula pa lang siya, with the intelligence he has, I know that he can do so much in that field.

Nang makarating ako ro'n ay nag-text ako sa kan'ya na nasa lobby ako ng firm kung saan siya nagta-trabaho. Kasi-send ko pa lang ng text ko sa kaniya at uupo pa lang ako sa couch nang makita ko si Olivia na nasa front desk, mukhang tapos na ang trabaho. Nagulat pa siya nang makita ako, bago lumapit sa akin.

"Hi, Tori! It's been a while!"

Naglahad siya ng kamay sa akin pero hindi ko iyon tinanggap; hindi ko nga rin tiningnan.

"Why are you here?" I asked.

Hindi naman ako tanga na sa loob ng apat na taong nag-iiwasan kami ni Maverick na magtagpo ang landas kung hindi kinakailangan, alam kong kasama niya si Maverick sa lahat. Hindi nga lang daw naging sila.

Unchosen [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon