44

425 20 0
                                    

44:



Maverick:

I'll pick you up and drive you home tomorrow.

Pinakita ko kay Bernard ang text sa akin ni Maverick nang maihatid niya ako sa harap ng unit ko. Tumawa siya at kinuha ang cellphone ko, tapos ay nagtipa ro'n. Ibinalik niya sa akin ang cellphone at binasa ko ang reply niya ro'n.

Me:

Shut up, you're not driving her anywhere

Tumawa ako at ibinalik na sa bag ang cellphone. Tumingin ako sa kan'ya.

"Sige na, umuwi ka na. Salamat sa libreng dinner."

He laughed. "May date bang babae ang nagbabayad?"

I shrugged as I open my unit. "Sige na, I'll go ahead."

"Okay, good night."

Kumaway ako at tumango na bago isinarado ang pintuan. Naupo ako sa couch, kasabay ng pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bag ko at nakita kong tumatawag si Maverick. I laughed before pressing the answer button.

"Why?" I asked.

He sighed. "Don't go anywhere, Tori. Please..."

I chuckled. "Ano na namang problema mo? Hindi por que hinayaan kitang maging kaibigan ako ay babawalin mo na ako sa mga dapat kong kaibiganin."

I smirked as I tried to stop myself from laughing. Maverick is going crazy. Ang bagal kasi, eh.

"I will pick you up tomorrow."

"Hindi na, si Bernard na ang maghahatid sa akin sa trabaho."

"Tori, just listen! Damn..."

Tawa ako nang tawa sa loob ko dahil sa sunud-sunod na pagmumura niya sa kabilang linya. Ano siya ngayon? Bahala ka d'yang magdusa, lagi mo na lang akong pinaghihintay sa kung kailan mo ako popormahan!

"Hindi na. Sige na, maliligo na ako."

Hindi ko na hinintay pang sumagot siya at pinatay na ang tawag. Bahala siya d'yan.

***

Kinabukasan ay ang huling araw ko sa trabaho bago magsimula ang Christmas break namin. Sinabi ko na kay Mommy at Papa na hindi ako sasama sa kanila sa Bukidnon to celebrate the Christmas and New Year. Pumayag naman sila. Ipapahinga ko na lang dito 'yon at makikipag-inuman sa mga kaibigan ko.

Lumabas ako ng unit at sumakay ng elevator para pumunta sa underground parking lot. Pagkarating ko ro'n at pagkalabas ko ng elevator ay dalawang lalaki ang naghihintay sa akin.

Gusto kong tumawa. Ramdam na ramdam ko ang tensiyon kay Maverick habang nakikita ko naman sa mga ngiti ni Bernard na pinagti-trip-an niya lang ang isang 'yon.

"Let's go, Tori," matigas na sabi ni Maverick.

Magsasalita pa lang sana ako nang inunahan ako ni Bernard. "Buti kung sa 'yo siya sumama?" he smirked.

Tumingin nang masama sa akin si Maverick pero tinaasan ko lang siya ng kilay. "Sabi ko sa 'yo 'wag mo na akong sunduin, eh. Sige na, Maverick, pumasok ka na sa trabaho mo..."

Kinuha na ni Bernard ang kamay ko at dinala sa sasakyan niya. Rinig na rinig ko ang mahinang tawa ni Bernard nang maisakay ako sa sasakyan. Mula ro'n ay nakita ko naman si Maverick na nasa dalawang baywang ang mga kamay, sunud-sunod ang malalim na paghinga habang nakatalikod sa amin. Nawala na lang siya sa paningin ko nang nagsimula nang mag-drive palayo si Bernard.

Unchosen [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon