24

319 20 0
                                    

24:



Nang mag-Lunes ay bumalik sa dati ang buhay ko. Muli ko na namang hinarap ang mga bagay na ginusto kong takbuhan noong nakaraang Sabado at Linggo.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na natalo ang pambato natin," rinig kong kwentuhan ng dalawang babaeng Accountancy din ang course. "Nakakapanghinayang lang."

"Kasalanan niya rin naman kasi alam niyang malapit na ang eleksiyon, hindi siya nag-iingat. Kung anu-ano kasi ang ginagawa, alam na maraming mata ang nakatingin sa kaniya."

"At least binoto natin siya, hindi na tayo nagkulang."

"Yes."

I stopped walking in front of them.

"Hi," I greeted them.

Nakita ko ang gulat sa mukha nila.

"I'm still the Governor of this department. I don't really mind if you're talking behind my back, but please, practice a low-voice gossiping in the hallway because there are students walking here that didn't need, and want, to hear the things that you are gossiping about."

Nag-iwas ng tingin ang dalawang babae sa akin.

"Sorry, Tori."

Matapos ko silang pagsabihan ay dumiretso na ako sa first class ko. Nakita kong nandoon na si Mav. He smiled at me when he saw me but I just couldn't smile back after what I've heard.

Sa kada lakad ko ba ay kailangan kong marinig ang lahat ng masasakit na komento nila sa pagkatalo ko sa eleksiyong ito?

Hindi ako pinansin ni Maverick nang maupo ako sa tabi niya, dahil alam niyang hindi maganda ang mood ko ngayon. Sa halip, hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin.

Napatingin ako sa kaniya nang ginawa niya iyon. Ngumiti lang siya sa akin bago hinalikan ang kamay ko, at hindi na nagsalita.

It made my heart melt with just a simple gesture from him.

Hanggang sa mga sumunod na araw ay ako pa rin ang laman ng chismisan ng mga estudyante. Isang linggo na lang ang mayroon ako para sa Governor position ko, pero ngayon pa lang ay wala na silang respeto sa akin, na para bang hindi ko ginawa nang maayos ang trabaho ko noon.

"Makaka-move on din ang mga 'yan," Bernard said when he saw me sulking at the office.

"Wala akong pakialam kung maka-move on sila o hindi," I said. "Ang sa akin lang, ano bang pakialam nila sa buhay ko? Hindi ko nga pinakikialaman ang buhay nila."

He smiled. "Anong magagawa natin? Gan'yan talaga ang mga tao, eh."

Hindi ko na siya pinansin pa at tinapos na lang ang kanina ko pa ginagawa.

Naunang umuwi sa akin si Maverick dahil may kinailangan pa akong tapusin sa office. Bukas kasi ang early final examination namin sa Accounting Nang maglakad ako palabas at nakasalubong ko ang mga estudyanteng may evening class ay nakita ko ang mga tingin nila na para bang hinuhusgahan nila ako at tinatawanan nila ako.

Lumampas na sila sa akin pero naririnig ko pa rin ang mga kuwentuhan nila.

"Imagine having all the confidence she has," the woman chuckled. "Tapos biglang natalo. Her fucking fall is damn hard."

Narinig ko pang nagtawanan ang mga estudyante bago pumasok sa block.

Naramdaman ko ang namumuong galit sa akin, maging ang pag-init ng gilid ng mga mata ko. No, I won't cry. Hindi ako iiyak sa napakababaw na bagay na 'yan.

Unchosen [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon