03

450 27 0
                                    

03:



Simula nang matanggap sa trabaho si Maverick ay nakita kong kahit na papaano ay may pagbabago sa kan'ya. Hindi ko na siya nakikitang problemado sa mga bayarin sa school, at hindi ko na rin siya nakikitang malalim ang iniisip para sa mas marami pang problema sa buhay niya.

I'm glad that I helped. I'm just thankful that I was born to be this way; I can help people that I know needs a help.

Mas naging kumportable na ang buhay ni Maverick. Masaya ako na hindi ko na naririnig ang mga problema niya, ibig sabihin, kahit na papaano ay nababawasan na ang mga iniisip niya.

Nakita ko rin na masaya siya sa trabahong pinasok niya. Paminsan-minsan ay pinupuntahan ko siya doon kapag free ang time ko. Hindi rin naman full time ang trabaho niya roon kaya naman sigurado akong nakakaya niya.

"Break time mo na?" tanong ko nang gabi ay pinuntahan niya ako sa table na inuupuan ko dahil ayaw ko pang umuwi. Naglapag siya ng dalawang noodles sa table at iniusog ang isa sa harap ko.

Tumango siya. "Oo," he smiled. "Kanina ka pa rito, hindi ka ba naiinip?" tanong niya habang hinahalo ang ramen niya.

Ngumiti ako at binuksan ang ramen na ibinigay niya sa akin at umamoy sa akin ang mabangong amoy nito. Bagay na bagay ang init nito sa lamig ng simoy ng hangin dito sa Baguio. Hinalo ko na rin 'yon.

"Hindi naman. ayaw ko Umuwi. Wala naman akong gagawin."

Sumubo ako ng noodles gamit ang disposable chopstick na pinanghalo ko, at napatango sa masarap na lasa nito.

After all, install noodles is not that bad, huh?

He smirked. "Hindi ka lumalabas kasama ang mga kaibigan mo?" tanong niya bago magsubo ng noodles.

Umiling ako. "I don't want to. Nakakasawa ang puro party. I realized that it's better to kill time in peaceful place that in places with bombarded music and different kinds of smile inside," muli akong napailing bago sumubo ng noodles.

He chuckled. "Bagay kayong magkaibigan ng isang barkada ko," he laughed. "Ipapakilala kita sa kanila soon." He smiled at me.

I smirked. "Ikaw lang ang gusto kong makilala. Sa iyo lang ako interesado, Maverick."

He chuckled as his face turned red. He looked away when he saw me staring at him. Natawa ako.

"Mababait 'yon. At, kilala ka naman nila," he shrugged.

Napakunot ako ng noo. "Bakit nila ako kilala? Nandito ba sila?"

Umiling siya at ininom ang sabaw ng noodles, bago sumagot. "Nasa Nueva Ecija ang isa at ang isa naman ay sa SLU nag-aaral Pa-graduate na." he shrugged.

Napatango ako bago itinuloy ang kinakain. "Pa-graduate na rin sana ako ngayon. I just took different course before Accountancy. Mas matanda ako sa 'yo. So, he's 21 also?" he nodded. "I'm 21 now."

"Alam ko," he smiled. "Pero hindi ko alam na shifter ka. Bakit ka nag-shift sa Accountancy?"

I smirked. "Secret."

Hindi na siya nagtanong pa ng iba hanggang sa maubos na ang noodles niya. Inubos ko na rin ang sa akin pero maraming natirang sabaw. Bumili siya ng dalawang C2 at ibinigay sa akin ang isa.

I chuckled. "Naubos na ang suweldo mo sa akin, Mav."

Umiling siya. "No. Mura lang naman 'yan, Tori. Let me do, at least, these things for you. Masiyado kang maraming naitulong sa akin."

Unchosen [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon