BLUE-HAIRED TWO

730 72 0
                                    

DATE

Pagka-apak ko pa lang sa school, nakita ko nang madaming estudyanteng naghihintay saakin kaso, wala ni isang lumapit saakin at kumausap. Instead, lantarang pinagbubulungan ako at yung iba naman, tinuturo ako sa kasamahan nila. Para bang kanina pa nila ako hinihintay.

Medyo crowded ang hallway na madadaanan ko. 'Di tulad kahapon na walang masyadong maagang pumasok.

May kutob akong dahil sa post na 'yon kaya ito nangyayari. Sikat nga ata talaga si Jack.

Dire-diretso lang ako sa room at 'di na sila binalingan pa. Papasok na sana ako sa room nang may kumalabit saakin. Nilingon ko't nakita kong si Alyzza lang pala.

Ba't ba ang hilig niyang mangalabit?

"Usap-usapan ka dito, ha?" Nakangisi niyang tugon saakin pagkaupo namin saaming assigned seat.

"Oo nga ata. Wala naman sigurong mambu-bully saakin dito tulad ng mga nasa korean drama diba? Mga fangirls ni Jack?" May bahid nang pag-alala sa boses ko.

Tahimik kong pinagdadasal na wala nga. Gusto ko nang tahimik na buhay habang nandito ako.

"Hmm. Walang pinagkaiba ito sa ibang school, Baby. May bully, may mayaman, may mahirap, may gangster pero syempre, may mababait naman na tulad ko. Don't worry." Ngiti niya saakin.

"Thanks god." I took a deep breath.

Medyo nabawasan ang kaba ko sa dibdib sa sinabi niya. Hays.

Mabuti na lang talaga may naging kaibigan agad ako. Pero 'di ko parin maiwasan na kabahan. Paano kung isang araw, may hihigit na lang sa buhok ko o kaya, habang nasa cr ako, may bubuhos saakin nang maduming tubig tulad ng mga napapanuod ko sa tv? Ayaw ko no'n!

"'Di ka nila dito magagalaw hangga't nasa tabi mo ako. Trust me," pampagaan loob na tapik saakin ni Alyzza. "Ako lang naman ang isa sa nirerespeto dito sa school kung 'di mo pa alam" Taas noo niyang dugtong.

'Di ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniya o hindi. Halos lahat kasi nang sinasabi niya, sa tingin ko, pang-joke time.

Napabuntong hininga na lang ako nang naalala kong wala nga akong choice kundi maniwala na lang din sa sasabihin niya. Bukod sa wala akong ibang kaibigan dito, eh, pinagkakatiwalaan ko naman siya kahit papaano.

"Isa pa, ang ganda ko naman para i-bully ka." Halakhak niya.

Anong konek ng pagiging maganda niya sa sinabi ko? Babaeng 'to talaga.

"Dito ka ba nag-first year?" Paglihis ko sa usapan.

"Yup! 'Di ba halata?" Tawa niya ulit. "Kung sa bagay, mukha akong fresh. Hindi kita masisisi sa part na 'yan." Muli niyang halakhak.

Haynaku! Hindi ko maiwasang mapailing na lang sa kabaliwan niya.

Tinuon na lang namin ang buong atensyon namin sa Class-discussion. Gusto ko pa sanang magtanong sa kaniya, kaso ayaw kong mahuli kami ng teacher. Mukha pa naman terror ang isang 'to.

Papunta kami sa canteen para sa break nang mapansin ko na naman ang tinginan sa'kin ng mga estudyante.

Hu! Siguro, kailangan ko na talagang matutunan ang Art of Dedma. Ayaw ko ng ganitong senaryo sa totoo lang. Mas-stress lang ako 'pag nagpatuloy pa ito.

"Alam mo, for sure, alam na 'to ni Prince Jack. Ano kayang feeling niya ngayon?" Ani Alyzza habang ang kaniyang tingin ay sa mga dinadaanan naming estudyante.

"'Yon nga eh, nakakahiya 'to. Sino ba kasing nag-post no'n?" Tukoy ko sa mga pictures namin.

"Matagal na ako dito pero hanggang ngayon, 'di ko pa alam sinong admin sa page na 'yon," kibit-balikat niya. "Pero may duda ako na si Eunice 'yon"

STUCK BETWEEN TWO BLUE-HAIRED GUYS ( #wattys2020 ) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon