Simula

1.3K 85 17
                                    

Simula


Habang tinatanaw ko ang traffic, 'di ko maiwasang kabahan. Iniisip ko pa lang na wala akong kaibigan o kakilala man lang sa bagong papasukan kong school, parang umaayaw na sikmura ko.

Bukod sa pangalang "SP Academia" ay wala na akong ibang ideya tungkol dito. Basta na lang inayos ni Mommy't Daddy ang mga papeles ko para makalipat doon.

Ayaw ko man dahil may maiiwan akong mga kaibigan sa dati kong pinapasukan, wala rin akong magagawa. Masyadong malayo 'yon sa bago naming nilipatan na bahay. Isa pa, ayos na rin siguro ito. Wala namang masama. Siguro, bagong adjustment lang ang kailangan.

Sa ngayon, umaasa ako na sana maganda ang magiging buhay ko dito. Hindi man kasing sigla ng buhay ko sa manila, magkaroon man lang sana ako nang tunay na mga kaibigan dito, ayos na 'yon sa akin.

"Manong, malayo pa ba?" tanong ko sa family driver namin. Nilingon lang niya ako saglit bago binalik ulit ang tingin sa unahan.

"Malapit na ho, ma'am. Isang liko na lang, nando'n na tayo."

Tumango ako. Tinuon ko ang aking tingin sa labas. Mga hindi kalakihang building ang nadadaanan namin. May napansin rin akong mall sa may right side ko na puwedeng tambayan kung sakali man na ma-bored ako dito. It's not as huge as manila's mall, pero ayos na rin. Choosy pa ba ako?

Kung meron mang pagkakapareho ang manila dito, iyon ay ang 'di matapos-tapos na traffic. Saktong alas sais akong umalis ng bahay at ngayon, lagpas alas syete na 'di pa kami dumadating.

'Di naman ako nagmamadali kaya lang medyo masakit na pwet ko kakaupo. Dapat inagahan ko pa lalo para iwas sa mga ganitong sitwasyon. Malay ko ba naman na hanggang dito, uso ma-traffic!

I took out my phone to check my schedule. Orientation lang ang ganap ko sa araw na 'to. Nothing's to be worried about.

Lumiko kami sa huling crossing tulad nang sabi ni manong kanina. Natanaw ko ang isang malaki at matayog na gate na may pintang kulay maroon.

Nagawa kong tanawin ang disenyo nito habang papasok kami sa parking lot.

Unang tingin pa lang, karespe-respeto na. Isama mo pa ang agaw pansin na Logo ng school na ito. Sinadyang lakihan ang estilo nito na dahilan para maiukit nang mabuti ang pangalan ng paaralan. Sa bandang gilid naman no'n ang buong pangalan ng paaralan.

Mas lalong nadagdagan ang kaba ko nang itigil na ni manong ang sasakyan sa parking lot, hudyat na kailangan ko na talagang lumabas.

Diretsong Social hall ang punta ko, kung saan pangyayarihan ang orientation. Muntik pa akong maligaw sa lawak ng school ground ng school, mabuti na lang talaga at may napagtanungan ako.

Hindi pa ako nakakapasok ay dinig na dinig ko na ang nagsasalita sa mikropono. Na-late na talaga ako.

Nabawasan lang nang kaunti ang kaba ko nang makita kong may mga nahuli din at kararating lang din tulad ko.

Sumabay ako sa kanila para 'di halatang wala akong kasama. Luminya na rin ako kung saan sila naroroon.

Mukhang kakasimula pa lang naman ng orientation kaya nakinig na lang ako sa sinasabi ng emcee.

Matapos ang orientation ay sinabihan kami ng mga teachers na wala na munang pasok ngayon. Bukas na daw magsisimula ang klase.

Sa ngayon, itu-tour ang mga new student ng mga naka-assign samin na old student. Bale, isang estudyanteng lalaki ang naka-assign sa mga freshmen tapos tag-iisa lang din saamin na hindi freshmen na new students, tutal kakaunti lang din naman kami.

In all fairness, mas malaki itong school kumpara sa dati kong pinapasukan. Nahati kasi ito sa dalawa. Yung isa ay "SP University" which is pang-college.

STUCK BETWEEN TWO BLUE-HAIRED GUYS ( #wattys2020 ) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon