BLUE-HAIRED THIRTY FOUR

384 42 0
                                    

BESTFRIEND


Lahat sila gulat na napatingin saakin pagkabanggit ko sa pangalang Raven.

"What's with that reaction?" Baling ko sa kanilang lahat. "Kilala niyo siya?"

Walang sumagot saakin. Lahat sila yumuko na tila wala silang balak na sagutin ako.

"Alyzza?" Lipat ko ng tingin sa katabi ko.

Tanging iling lang din ang ginawa niya. Nagtataka ko silang tiningnan isa-isa. Are they hiding something?

Naalarma ako nang agawin saakin ni Daniel ang letter. Nilukot niya ito saka tinapon sa gilid.

"How do you know him?" Diretsahang tanong niya saakin.

Kung kanina ay sobrang seryoso siya, ngayon ay medyo kumalma na ang hitsura niya.

"'Yon na sana ang itatanong ko sa 'yo kanina. Kilala mo ba siya?"

"No," mabilis niyang sagot. "Stay away from him. Don't let him get close to you, understand?"

"Hindi ko naman iyon hahayaan pero--"

"No more buts, Mikaela. That's my command as your boyfriend. Respect it." Ma-awtoridad niyang bigkas.

Wala akong nagawa kung hindi itikom na lang ang bibig ko at hindi na babalakin pang magsalita. Kagat-labi ko siyang tinanguhan.

"Good. Let's take a rest."

Tinapon niya sa gilid ang hawak pa niyang rosas kanina, saka niya ako hinawakan sa kamay.

Tinapunan ko ng tingin ang mga kasamahan namin bago ako nagpahila kay Daniel. 'Di pa tayo tapos mga traydor!

"Sa hideout punta natin?" Tanong ko habang tinatahak namin ang daan papuntang rooftop.

"Yes." Tipid niyang sagot.

"Anong gagawin natin do'n?" Ginalaw ko ang hawak pa niyang kamay ko para lingunin niya ako. "Gusto ko pang manuod ng sayaw." Dugtong ko nang hindi niya ako nilingon.

"The dance cover is done."

"Eh, gusto ko pa kasi do'n." Pagmamaktol ko.

Napaatras ako nang kaunti nang bigla niya akong lingunin. Napakapit ako sa gilid. Kasalukuyan kaming nasa hagdan papuntang rooftop.

"I want to rest, Mikaela. If you don't want to come with me, then go back there. As if I really care." 
He held out my hand and left me alone.

Natutop ako sa kinatatayuan ko pagkaalis niya, hindi makapaniwala sa inasta niya. Did he just leave me alone?

Gusto ko siyang habulin ngunit ayaw makisama ng mga paa ko. Para bang ang bigat-bigat nito na tila hindi maigalaw.

Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang biglaang pagkirot nito. Ang bigat na rin ng pakiramdam ko. Para bang ang sakit-sakit na. Ang hirap huminga.

"Cheer up, Baby. Parang 'di ka na nasanay sa isang 'yon." Bulong ko sa sarili ko habang lumulundag-lundag.

Napaupo ako sa hagdan nang mas lalo lang bumigat ang nararamdaman ko. Yumuko ako saka ako nakipagtitigan sa kamay ko.  

"Huwag kang iiyak, Baby. Huwag na huwag." Dilat na dilat ang mata ko habang nakatingin pa rin sa kamay ko.

Para na akong sira-ulo sa ginagawa ko.

"Sabing huwag kang iiyak, eh." Mabilis kong pinahid ang mata ko nang hindi ko na napigilan maluha.

"I hate you, Daniel. I fucking hate you!"

STUCK BETWEEN TWO BLUE-HAIRED GUYS ( #wattys2020 ) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon