BLUE-HAIRED EIGHTEEN

441 56 1
                                    

TURN ON


Nandito kami ngayon sa tambayan (Hideout nila). Dito niya ako dinala pagkatapos kong irant ng paulit-ulit si Sir.

"Mabuti na lang talaga at 'di ka pumatay ng palaka. Tama na yung ako lang ang nagsa-suffer ngayon." Malungkot kong sabi.

Nakaupo ako ngayon sa gilid ng lababo. Pinapanuod siyang nagluluto. Nagbolunter kasi siya nang sa gano'n ay gumaan daw ang pakiramdam ko. Nawalan na din ako ng ganang pumasok sa susunod pa naming klase kaya pumayag na ako.

"Ah, huh."

Kanina pa ako nagrereklamo sa kaniya dito, habang siya'y bising-busy sa niluluto. Hinahayaan lang niya akong magsalita. Tinatanguhan at paminsan-minsan ay sinasagot ako.

"Tapos ano..Hindi ka maiiyak ng ganito." Muli kong reklamo.

Lumingon siya sa pagpiyok ng boses ko. Huminga muna siya nang malalim bago ako nilapitan.

"He will be punished. Don't worry." He's staring at me while tapping my head. Pinapatahan ako.

Mas lalo lang akong naiyak nang maalala ko na naman ang pagbiyak ko sa tiyan ng palaka.

"I really hate him, Daniel. Ayaw ko talaga sa kaniya." Umiiyak kong iling sa kaniya.

"Yeah. We hate him," tumatango siya habang patuloy siya sa paghagod ng likod ko. "Drink this." Alok niya saakin ng basong may lamang tubig.

Tumango ako saka ko ito kinuha. Bumalik siya sa kaniyang niluluto nang masiguro niya ang kalagayan ko. 

"Baka naman isipin mo na parang bata ako, ha? Nakokonsensya lang talaga ako." Pagklaro ko.

Walang gana niya akong sinulyapan bago ituon ulit ang tingin niya sa niluluto.

"Yeah."

"Nakonsensya lang talaga ako at saka ano, uhh..naawa sa inosenteng palaka." Dugtong ko.

"Yeah" Walang gana ulit niyang sambit.

"'Di ka naman ata naniniwala, eh." Pagmamaktol ko.

Huminga siya nang malalim saka ako nilingon.

"Mikaela, I'm cooking. Naniniwala ako sa 'yo."

Nakagat ko na lang bibig ko saka 'di na nagsalita. Saglit niya akong tinitigan bago pinagpatuloy ang ginagawa.

Tahimik ko na lang siyang pinagmasdan hanggang sa natapos na niya ang kanina pa niyang niluluto.

Gustuhin ko man itanong kung ano ang niluto niya kaso baka nakukulitan na talaga siya saakin.

Isa pa, ayaw ko na rin magsalita. Puro "Yeah" lang naman maririnig ko sa kaniya, eh.

Tinulungan ko siya nang simulan niyang kunin ang mga plato sa cabinet. Napapasulyap siya saakin habang isa-isa na namin nilalapag ang mga ito sa lamesa.

"Why are you so silent?"

Muntik ko nang mabitawan ang dala kong kutsara sa biglaan niyang paghawak sa kamay ko. Diretso sa mata ko siya nakatingin.

"Naniniwala ako sa 'yo. Mababaw lang talaga ang luha mo kaya ka naiyak." Seryoso niyang tugon.

Hindi agad ako nakapagsalita. Mabuti na lang at tumunog ang door bell, dahilan nang paglipat ng kaniyang tingin sa pintuan. Binitawan niya ako saka dumiretso roon. Pagbalik niya ay may mga dala na itong supot.

"Si Manong guard. I ordered some foods outside." Sambit niya nang makita ang pagtataka sa mukha ko.

Tinanguhan ko siya saka ko siya nilapitan. Kukunin ko na sana ang ibang supot sa isa niyang kamay, subalit mabilis niya itong naiiwas.

STUCK BETWEEN TWO BLUE-HAIRED GUYS ( #wattys2020 ) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon