EPILOGUE

440 46 0
                                    






Raven and I decided to go to our own dance studio right after Ma'am dismissed our class.

Parte pa rin ng pinapasukan naming eskwelahan ang aming studio. Walang pwedeng pumasok dito na walang paalam saamin. This is exculsively for us. Isa 'to sa hiningi ko saaking lolo, ang magpatayo ng silid sa loob ng ekwelahan na pwede naming pagsayawan.

"Saan tayo pagkatapos?" He asked while wiping his own sweat.

"Outside?" I answered unsurely.

"Game ako." He nodded after he offered me a hi-five.

We were both chasing our own breath, both tired of dancing. Ito ang nagsilbing bonding namin araw-araw, ang pagsasayaw.

Diretso sa studio pagkatapos ng dismissal. Sasayaw nang sasayaw hanggang sa mapagod at magsawa.

Isa rin sa nakasanayan namin gawin ang pagpunta kahit saan-saan bago kami umuwi sa sariling mga bahay.

"Tingnan mo 'yon, bro. Chicks." Turo niya sa babaeng highschool student na tulad namin. Suot nito ang kanilang uniporme na hindi pamilyar saakin.

"Here we go again." Walang gana kong lingon sa kasama ko.

Palagi na lang niya ito ginagawa. Tuturo ng babaeng kasing-edad lang namin tapos mamaya, tatawagin sabay turo saakin, kunwaring ako ang mismong tumawag.

Hindi na siya nadala nang minsang nasampal ako ng babae dahil sa kagagawan niya. Nabastusan ata.

"Number 36!"

Tinanguhan ko ang kasama ko saka tumayo papunta sa counter nang matawag ang aming numero.

Kasalukuyan kaming nasa ice cream café na malapit lang sa school. Tinamad kami kaya dito namin napiling tumambay.

Kukunin ko na sana ang tray namin nang may biglang umaagaw saakin.

"Amin ho 'to kuya." Yung babaeng tinuro kanina ni Raven.

"Ah, miss, sa kanila ho 'yan. Ito po ang inyo." Magalang na singit ng sales lady.

Tahimik ko na sanang babawiin sa babae ang tray nang bigla akong natigil.

"Shit." Lihim akong napamura nang madirekta ang mata ko sa mata niya.

"Minura mo ako?!"

My eyes got rounded as she raised her voice to me. Hindi pa ako nakakabigkas ng salita, nang bigla na lang niya padabog na inabot saakin ang tray.

Nakaawang ang bibig kong napatingin sa suot kong uniporme nang kumalat ang ilang bahagi ng ice cream rito.

"Buti nga sayo!" Then she sticked out her toungue.

"Wait." Pigil ko sa braso niya bago pa siya makatalikod.

"Ano, susuntokin mo ako?!"

Napapikit ako sa sobrang pagkadismaya, ngunit agad ko rin naidilat ang mata ko nang padabog niyang binawi ang braso niya.

"Bakla!" Sigaw niya saka kumaripas ng takbo palapit sa mga kasamahan niyang babae.

What the actually fuck!

"Bro."

Lapit saakin nang natatawang si Raven. Mukha pa siyang tuwang-tuwa sa ayos ko ngayon.

"What now, Raven?" Inis kong baling sa kaniya.

"Anong nangyari sa chicks na 'yon?" Natatawa niyang lingon sa pintuan kung saan lumabas ang babae kasama ang tatlo pa niyang kaibigan.

"Uwi na tayo."

STUCK BETWEEN TWO BLUE-HAIRED GUYS ( #wattys2020 ) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon