BLUE-HAIRED TWENTY TWO

401 50 2
                                    

ANOTHER SEVEN CRACKHEADS

"Mikaela!"

Napaigtad ako sa gulat nang may matikas na boses na tumawag saakin sa likod. Shit! Paano ko nga ba siya nakalimutan?

Pinikit ko muna ang mga mata ko saka huminga nang malalim. Pero bago ko pa siya malingunan ay nahila na ako ni Jack palayo.

Pilit kong nililingon si Daniel ngunit sadyang mabilis lang talaga ang paghila saakin ni Jack. Wala na akong nagawa kundi magpatianod na lang.

Huminto kami nang nasa college building na kami.

"Bakit mo ako hinalikan?" Kalmado ngunit may diin ang pagkakatanong niya saakin.

Bigla akong nakaramdam ng hiya sa katawan. Yumuko ako kagat-kagat ang labi ko nang hindi ko siya nagawang sagutin.

Ano nga din naman ang pumasok sa isip ko para gawin 'yon?

"Tell me, Baby. Huwag kang paasa."

Mabilis akong napatingin sa kaniya. Agaran kong iniling ang ulo ko habang nakatikom pa rin ang bibig ko.

"Hindi kita pinapaasa." Depensa ko saka siya hinawakan sa kamay.

God knows kung ilang lakas na loob ang inipon ko para lang hawakan siya ngayon.

"Gusto lang kita..ano..uhh..batiin ng happy nutrion day.--"

"Don't lie to me. Why did you do that? Tell me." Mahinahon pa rin ang boses niya, pero halatang nagpipigil lang siya ng inis.

"Eh, kasi..na-miss kita..." I paused. "'Di ka na kasi nagpakita."

Pikit ang isang mata ko siyang tiningnan habang kagat-kagat ko pa rin ang labi ko. Iniwas niya ang tingin saakin saka bumuga ng hangin.

"Let's go." Sambit niya saka hinawakan ulit ako sa kamay.

Hindi na ako umangal nang hilahin niya ako. Hilig na ata niya manghila ngayon.

Kahit nararamdaman ko na ang pananakit ng paa ko kakaakyat sa hagdan, hindi pa rin ako nagreklamo.

Nakahinga ako nang maluwag nang huminto kami sa may rooftop ng building nila.

Isang simpleng bahay tambayan ang bumungad saamin, pagkaakyat pa lang namin dito. May pagkahalintulad sa tambayan nina Vince.

Base sa nakikita ko sa paligid, hindi ako pamilyar dito. Ngayon lang ako napadpad dito, ngunit hindi ko rin maiwasan mamangha sa nakikita.

May ganito din pala dito?

Sumunod ako sa loob nang pumasok siya pagkabukas niya nito. Mas lalo pa akong namangha nang masilayan ko ang loob nito.

Katulad lang din kina Vince, black and white ang tema. May malaking picture frame na nakasabit sa taas ng flat screen na tv na kahit si Jack at Hunter lang ang nakilala ko sa picture ay nasisiguro kong sila ang Prince of Seduction na sinasabi saakin ni Alyzza.

Hmm, in fairness, ha, lahat sila gwapo.

Napa-upo ako sa may sofa, kaharap ng tv nang dumiretso si Jack papasok sa nag-iisang kwarto dito.

Hindi pa nakakailang minuto ay may nagsidatingan na mga lalaki. Anim sila lahat at nasisiguro ko na talaga na sila ang kagrupo ni Jack.

Natigil sila sa pagtatawanan nang mapansin nila ako. Mabilis na umupo sa tabi ko si Hunter.

"Si Jack?" Nakangiting tanong niya saakin.

"Ah, eh, pumasok siya do'n, eh." Turo ko sa kwartong pinasukan ni Jack.

STUCK BETWEEN TWO BLUE-HAIRED GUYS ( #wattys2020 ) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon