BLUE-HAIRED THIRTY EIGHT

357 43 1
                                    

CLOSURE




Hindi ko mahanap ang tamang salita. Nanatili akong tulala sa kaniya. Pagkatapos ng tatlong taon, ngayon ko lang siya nakita at marinig na magsalita.

Shit. Nakaka-intimidate na yung hitsura niya noon, pero iba yung ngayon. Nag-matured na ang mukha niya.

And his blue hair... Wala na rin. 

"Where's Jack?" He asked casually.

I was about to answer his question, but suddenly someone came up, si Turon.

Lumapit siya kay Daniel saka siya humalik sa pisngi nito. The nerve.

"Uuwi na ako." Biglang tayo ko.

Alam ko sa pagkakataong ito, dalawa na silang nakatingin saakin. Pareho ko silang tinalikuran at hindi na lumingon pa.

Nakangiti kong binayaran lahat ng in-order ko saka ako lumabas. Ayaw ko ng manatili pa sa loob, at baka ito na rin ang huling punta ko rito. Nakaka-miss pero ayaw ko pang mapaaga ang kamatayan ko.

"Stay still."

I was stuck at the car door when someone spoke behind me. Even though the voice was a bit deep, I still know who he was. Sinundan niya ako.

"Daniel." Nakangiti kong lingon, kahit sobrang kaba na ang nararamdaman ko.

"Bakit ka pa bumalik?"

Nabigla ako sa tanong niya. Kung sa iba 'to nanggaling, baka ayos lang saakin, pero ang sakit lang 'pag sa kaniya na mismo nanggaling.

"Daniel."

"Ayos na ako, Mikaela. Ayos na ayos na sana. Why you came back?"

Sobrang relax na relax ang boses niya. Walang bahid ng iretasyon o galit man lang. Pero bakit iba ang nararamdaman ko? Galit siya. Alam ko.

"Galit ka saakin?" Hindi ko na napigilan pang magtanong.

"Hindi. Hindi na ako nagagalit, Mikaela."

Walang gana niya akong nginitian. A part of me wants to believe him but my instinct keep telling me that he was lying.

Lumapit ako sa kaniya saka ko hinawakan ang kamay niya.

Alam kong sobrang unfair ng gagawin kong 'to, lalo na ngayong posibleng may relasyon na sila ni Turon. Bahala na. I really need to prove something. I have to.

"Daniel." Huling bigkas ko bago ko ilapit ang mukha ko sa kaniya.

Hindi siya gumalaw nang idikit ko ang labi ko sa labi niya. Isang dampi lang, pero iba ang epekto niya saakin.

Madami na akong nahalikan sa manila. Mapa-bar man o kaya sa campus namin, pero ang tanging kaniya lang ang hinahanap-hanap ko.

Sounds weird, but only him who can made me feel this way. Only Daniel.

Pinikit ko ang mata ko saka ko pa diniin ang halik ko. Wala na akong pakialam kung sinuman ang mapadaan saamin.

Kung may natutunan man ako sa pagbalik ko sa manila, iyon ay ang kawalanghiyaan kahit nasa pampublikong lugar man ako.

Halos idikit ko na ang katawan ko sa kaniya nang lumipas na ang ilang minuto at wala pa ring response galing sa kaniya.

Gano'n na ba katindi ang galit niya, na kahit ang halik ko ay 'di na niya pinapansin?

Humiwalay ako sa kaniya saka ko siya tiningnan diretso sa mata. Namuo ang hiya sa katawan ko nang wala man lang akong makitang pagbabago sa ekspresyon niya.

STUCK BETWEEN TWO BLUE-HAIRED GUYS ( #wattys2020 ) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon