BLUE-HAIRED ONE

935 79 0
                                    

DANIEL

Sinadya kong agahan ang gising ko. Ayaw kong mahuli sa unang regular class ko. Sa sobrang aga ko, wala pang katao-tao nang dumating ako.

Dapat nag-breakfast muna ako, pero mas mabuti na rin siguro 'to. Kaysa naman sa ma-late at matrap ulit sa haba ng traffic.

May isang oras pa bago magsimula ang first subject ko kaya 'di naman masama kung sisilip muna ako sa college building para do'n na muna mag-agahan. Magb-breakfast lang naman, eh.

It took me a long minutes bago nahanap ang canteen nila dito.

My god! Ang lawak nga pala dito kaysa saamin.

'Di ko napansin kahapon kasi medyo crowded pero ngayong walang masyadong estudyante ay kitang-kita ang kabuoan nito.

Male-late ako mamaya, sigurado 'yon! 'Di bale, I'll make an excuse na lang.

Umupo ako sa pinakagitna na pangdalawahang table. Bale dalawang pang-grupong table ang pagitan namin ng pintuan. Bukod kasi sa mga tindera, eh, wala ng iba pang tao.

Patapos na ako nang may pumasok. Si blue-haired guy with mask kahapon. Dire-diretso siyang naglakad sa counter. Oorder ata.

Dinalian ko na ang pagsubo ng pancake ko nang namataan kong o-order nga talaga siya. Ewan ko pero kinabahan ako bigla kahit wala naman akong ginagawang masama.

Nanatiling nakayuko ang ulo ko. Natataranta na ako habang pinagpatuloy ko ang pag-ubos nang inorder ko

"Aw!" Napadaing ako nang mabitawan ko bigla ang kape ko. Natapon sa puting blouse ko at tumagos sa balat ko ang init nito.

"Ano bayan! Ang dumi na tuloy ng uniform ko." Pagalit kong bulong sa sarili.

Kumuha ako ng panyo sa bag ko para pangpunas sa parte nang nabuhusan. 'Pag minamalas ka nga naman, oh!

"Baby?" Bigla akong natigil sa pagpunas at napaangat sa nagsalita.

Wrong timing ka Jack!

"Ikaw nga!" Turo niya saakin na parang tuwang-tuwa.

Napatingin siya sa blouse ko at nilipat do'n ang nakaturo niyang kamay. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya.

"Anong nangyari d'yan?" Pumikit siya na para bang alam din niya ang sagot sa tanong niya "Anong ginagawa mo dito sa building namin?" Dugtong niyang tanong.

"Breakfast I guess?" I answered unsurely.

"Eh, may canteen kayo do'n ah?"

Napakamot na lang ako sa natural brown hair ko. Sa totoo lang, 'di ko rin alam paano sagutin ang tanong niya. Hindi ko rin kasi alam ba't ko naisipang dito magbreakfast kahit meron naman talagang canteen samin.

"Uh, nevermind," he shook his head. How can I help you then?" Turo niya ulit sa blouse ko.

I eyed my poor blouse. Mukhang lalong nadipena yung mantsa ng chocolate coffee. I feel hopeless!

"May ano ka uh.. Extra t-shirt?"

Lihim kong pinagdarasal na sana mayro'n siya. Ayaw kong pumasok sa first class ko na ganito ang ayos. Never.

"I have my P.E uniform on my locker. If that's okay with you, kukunin ko."

Hay. Thanks god.

"'Di mo gagamitin this day? Baka kasi bukas ko pa maisuli kung gano'n."

"No, it's okay. I have extra. So, okay lang?"

"Do I have choice?" Nakakahiya man pero wala na talaga akong pagpipilian. Ngayon pa ba ako magcho-choosy?

STUCK BETWEEN TWO BLUE-HAIRED GUYS ( #wattys2020 ) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon