BLUE-HAIRED FORTY

388 46 6
                                    

Song cry





Hindi naging madali ang takbo ng buhay ko dito bilang kolehiyong mag-aaral. Lalo na no'ng unang linggo ko pa lang sa second semester. Ramdam na ramdam ko ang pagiging mapag-isa. Walang pumapansin, o kaya ay walang naglakas loob na makipagkaibigan saakin.

Hindi ko alam kung ayaw ba nila saakin, o dahil sa kumakalat na issue saakin. Marami kasing nakasaksi sa kahibangan ni Hunter no'ng pinapalabas ako ni Daniel. Akala talaga nila jowa ako ng Hunter na 'yon.

Mga lokong college students. Ni hindi man lang naniwala saakin no'ng sinabi kong girlfriend ako ng King nila. Eh, saaming dalawa ni hunter, mas katiwa-tiwala naman ako. Mga tao talaga.

Ang bababaw ng dahilan para hindi man lang ako kaibiganin. Ayan tuloy at super loner ang naging arte ko sa loob ng anim na buwan. Pakiramdam ko nga, naging matino ako ng wala sa oras. Imagine, walang gala tapos wala pang masamahan na tropa. School-bahay lang.

Hindi ko naman pwedeng puntahan si Alyzza sa school nila. Sobrang busy din niyang tao, idagdag mo pa ang pagiging seloso ni David. Hindi niya pinapayagang gumala, kahit pa alam niyang ako ang nagyaya.

Mabuti sana kung nakikita ko dito sina Vincent, kaso sobrang layo naman ng building nila saamin. Idamay mo pa ang suplado sa kanila, si Daniel. Kung makapang-snob, akala mo talaga hindi nabaliw saakin dati. Nakakainis.

Huminga ako nang malalim saka tinigilan ang kakaisip sa naging buhay ko last sem. Sinimulan ko ng ilagay lahat ng mga kagamitan ko sa bag.

"Bukas, Miss Suarez, don't forget." Said Miss Pres.

Nginitian ko siya saka tinanguhan. Ilang linggo na kaming magkasama at masasabi kong ang boring niya. Kung hindi 'oo, hindi' ang tanging isasagot niya kapag nagtanong ka. Basta, sobrang boring niyang kasama.

Kung hindi lang talaga ako kasali sa SSG, hindi na ako mag-aaksaya pa ng oras na sumama sa kanya. Lalo na ang iba pa naming kasamahang officer, ang susuplado.

At ngayon, wala akong magawa kundi tumulong sa paghahanda ng intramurals namin na magsisimula na bukas. Bilang isang magandang sekretarya, ako ang tagalista sa lahat ng sasabihin ni Miss Pres.

I won as SSG Secretary last semester. Wala akong kaalam-alam na isa na pala ako sa nominado no'ng mga oras na 'yon. Abala ako no'n sa bahay dahil uuwi sina Mommy. Kung hindi pa saakin sinabi ni Alyzza, walang may planong magsabi saakin.

Noong una, pinabayaan ko na lang. Nominado lang naman, eh. Ang akala ko kasi, walang boboto saakin dahil wala naman talaga akong kaibigan dito. Walang aasahan na magka-campaign saakin, kaso akala ko lang pala 'yon.

Sino bang hindi mananalo kung ang  tatlo kong lalaki (Vince, David, Isze), pati si Alyzza, ang nanguna sa pangangampanya saakin? Ewan ko na lang kung may makatanggi pa sa kanila.

Masyado nilang pinaghandaan ang pangangampanya. Yung tipong maiinis na lang ako sa kabaliwan nila. Nakasakay kami no'n sa Hilux habang iniikot ang buong campus. Akala mo talaga tatakbo ako bilang mayora, eh.

Hindi na rin ako nagtaka kung paano nasali si Alyzza at David kahit hindi sila nag-aaral dito. Sa lakas ba naman ng kapit nila dito.

At ang mas masakit pa do'n, wala pa yung taong gusto kong sumuporta saakin. Busy ata sa turon niya.

Sinong hindi mabubwesit? Mga loko talaga. Hays. Tama na nga kakaisip. Masyado nang dumidilim ang paligid. Gusto ko nang umuwi.

I took a deep breath and stretched my arms before leaving the room. Sa wakas, malapit na rin matapos ang isang linggong paghihirap ko.

Napapahikab ako habang nilalakad ko ang hallway. Madilim na ang kalangitan at kaunti na rin ang natitirang estudyante.

"6:30 na pala." I murmured after I eyed my wrist watch.

STUCK BETWEEN TWO BLUE-HAIRED GUYS ( #wattys2020 ) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon