BLUE-HAIRED SEVENTEEN

458 57 3
                                    

HURTS AND TEARS


Akala ko lilipas na naman ang gabi na badtrip pa rin ako. Hindi ko kasi nagawa ang plano ko. Imbes na siya ang pagtripan ko, ako pa tuloy nadali.

Parang naglaho na parang bula ang plano ko.  Hindi man ata niya pinlano, still, nasabotahe pa rin. I really can't win against him, and it's proven. Kani-kanina lang.

Gayun pa man, naging maayos naman ang buong gabi ko. Lalo na yung reaksyon niya kanina, ang epek! Nakakawala lang ng stress. Thanks to him kahit napagtripan na naman niya ako.

"Alam mo, nagiging weird ka na rin. Lagi na lang kita nahuhuling tumatawa mag-isa." Sambit ni Alyzza.

Magkaharap kami habang nakahiga sa kaniya-kaniyang kama. Patagilid akong nakahilata sa kama, gano'n din ang posisyon niya.

"Huwag mo nga akong idamay. Kayo lang 'yon." Irap ko sa kaniya.

Kanina pa niya ako tinutukso tungkol sa pagtawa ko habang nanghuhuli kami ng palaka. Ayaw ko man aminin pero nagiging weird nga talaga ako nitong nagdaang araw.

Sino bang mag-aakala na yung taong laging sumisira ng araw ko, eh, nagagawa na niya akong patawanin ngayon. Ang weird lang talaga.

"Alam mo, kung hindi ko lang nalaman na may girlfriend na si King? Sa kaniya talaga ang boto ko." Bigla niyang sambit na agad ko naman siyang tinaliman ng tingin.

Okay na sana, eh. Okay na okay na dapat ang araw ko, eh. Parang nasira na naman.

"Matulog na nga tayo. Maaga pa tayo bukas." Natatawa niyang irap saakin saka nagtalukbong na ng kumot.

Nainis man ako, ngunit wala na rin akong nagawa kundi ipikit na lang din ang mata ko.

Kinabukasan, bumungad saakin ang nagngingiting nakaupo sa dining table na si Daniel. Tulad nga ng bilin niya saakin, may dala nga siyang mga pagkain.

Nilagpasan ko siya saka dumiretso na sa banyo. Bihis na bihis akong lumabas pagkatapos.

Pagkalabas ko ay dalawa na sila ni Alyzza ang nakaupo sa hapag, magkaharap. Nginitian ko sila nang sabay silang mapalingon saakin. Agad kong kinalkal ang dalang supot ni Daniel pagkalapit ko.  Napangiti ako nang hindi ang mahal niyang Alio E Olio ang laman nito.

"Mabuti naman at hindi yung Alio E Olio niya ang dinala." May panunuksong boses na sambit ni Alyzza.

"Nasan sina Vince?" Baling ko kay Daniel. "Magkakape ka?"

Nilingon ko siya nang hindi siya agad sumagot. Kumunot ang noo ko nang makita kong sobrang seryoso ng tingin niya saakin. Ano na naman ang problema niya?

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya saka ako kumuha ng dalawang baso para saamin. Hindi ko man alam ang kape niya, pinili ko pa rin ang chocolate coffee. Bahala na kung ayaw niyang magkape.

Nararamdaman ko ang panunuod nila saakin habang nagsasalin ako nang mainit na tubig galing sa thermos.

"You're now calling him Vince, huh. Kailan pa 'yan?" Biglang sambit ni Daniel.

"Eh, naririnig ko lang na Vince ang tawag sa kaniya ng iba. Wala naman atang masama kung makiki-Vince lang din ako, diba?" I turned my gaze to Alyzza, but she immidiately turn her gaze away.

"Are you that close to call him Vince?" He asked in a serious tone.

Nilingon ko siya saka naupo sa tabi niyang upuan. Kaharap namin si Alyzza na ngayon ay nagse-cellphone. Halatang ayaw makisama sa usapan.

"Bawal na bang maki-Vince ngayon?" Seryoso kong baling ulit kay Daniel.

Saglit niyang sinulyapan ang kapeng nilatag ko sa harap niya.

STUCK BETWEEN TWO BLUE-HAIRED GUYS ( #wattys2020 ) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon