BLUE-HAIRED FOUR

624 71 2
                                    

KISS

Nagising ako nang katukin ako ng isa sa mga katulong namin. Medyo kulang pa ako ng tulog sa kakaisip sa letseng Daniel na 'yon.

'Buti na lang talaga at walang pasok ngayon dahil sa gaganaping acquaintance party ng mga college.

I texted Alyzza to inform her na gising na ako. Siya kasi ang nag-volunteer na mag-aayos sakin. Gusto na sana ni Mommy na sa make-up artist na daw niya pero tumanggi na ako.

Natapos na akong mag-almusal nang dumating si Alyzza. Dumiretso kami sa kwarto para masimulan na niya akong ayusan.

Since 10:00 am pa naman ngayon, we have moretime to prepare. Usapan kasi 1:00 pm ako susunduin ni Jack dito. Sabi sa invitation, 1:00 pm starting ng party. Medyo mahaba-habang araw din 'to.

Naupo ako sa mirror dressing table ko para nakikita ko ang gagawin ni Alyzza saakin. Tumayo siya sa likod ko at inunang ayusan ang hanggang balakang kong natural brown hair. 'Di ako familiar sa ini-spray niya sa buhok ko para medyo tumigas ito.

"Wet look ang plano ko sa 'yo para magmukhang matured ka naman. For sure, magmumukha kang nene do'n 'pag 'di ko 'to gagawin"

"Okay, sa plano mong gawin," Is shrugged. "Pero 'di ba, dapat inuna na muna natin ang paglalagay ng make-up?"

"Ang buhok ang mahirap ayusan. Simple lang naman ang ilalagay kong make-up sa 'yo kaya madali lang 'yon."

"Sabi mo, eh." Kibit-balikat ko ulit.

Sinuway pa ako sa paggalaw ng balikat ko. Tumahimik na lang ako at 'di na gumalaw pa.

Excited ako sa kung anuman ang kalalabasan ng hitsura ko. Ngayon lang kasi ako aattend ng ganitong event. Tapos ka-date ko pa si Jack. Naexcite tuloy ako.

Ano kaya ang gagawin no'n sa kulay asul niyang buhok? Iispray-an din ba niya tulad nang ginagawa sa'kin ngayon ni Alyzza, o baka naman magpapakulay ng iba.

Iniisip ko pa lang na mag-iiba siya ng kulay, nalulungkot ako. Ewan ko ba, naging trade mark na niya saakin ang kulay asul niyang buhok, eh.

Speaking of asul, napahawak ako sa dibdib ko sa biglaang pagbilis ng tibok nito. Pakiramdam ko, nagsitayuan ang mga balahibo ko sa kamay. Letseng Daniel!

"Alyzza?" Maingat kong lingon sa kasama ko.

"Hm?" Sagot niya habang nilagay niya isa-isa ang tumatakas na hibla ng buhok ko sa tainga.

"May kilala ka bang Dan--"

Naputol ang pagtatanong ko sa biglaang pagtunog ng cellphone niya. Tinignan niya ito saka sinagot.

"Si dad." Saglit niyang sabi bago ako talikuran at lumayo ng kaunti.

Huminga ako ng malalim pagkaalis niya sa tabi ko. Pilit inaalis sa utak si Daniel.

'Di pwedeng binabagabag ako ng letseng 'yon. Kulang na nga ako sa tulog tapos sa kakaisip sa kaniya tapos ngayon, binabagabag pa ako. Dapat focus lang kay Jack ngayon.

Tama! Si Jack lang dapat. No more Daniel sa ngayon. Kahit ngayon lang.

Wala lang talaga magawa sa buhay ang isang 'yon kaya ako iniistorbo no'n.

"Bwesit! Ba't palagi saakin hinahanap ang intsik na 'yon?!" Balik ni Alyzza sa tabi ko.

"Sino?"

"Sino pa, eh 'di ang bwesit na Terry. 'Di na sila nasanay sa anak nilang 'yon. Sa kanto nila dapat hanapin, huwag saakin." Pagmamaktol niya.

Naikwento nga niya saakin no'ng minsang nasa canteen kami si Terry.

Magkaibigan ang mga magulang nila at isa din siya sa mga gangster sa school. 

STUCK BETWEEN TWO BLUE-HAIRED GUYS ( #wattys2020 ) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon