BLUE-HAIRED TWENTY SEVEN

368 46 0
                                    

BOYFRIEND

Gulat. 'Yan lang ang tanging naging reaksyon ko sa narinig ko. Naguguluhan pa rin akong nakatingin sa lolo nila. Ni hindi ko na nagawang magsalita pa. Ayaw iproseso ng utak ko ang mga narinig ko.

Tama ba pagkakarinig ko?..Na fiancé ako ni Jack?

Is he really serious or he's just making fun?

Gustong-gusto kong itanong 'yan sa lahat ng tao dito pero ayaw magbigkas ng kahit isang salita man lang ang bibig ko. Come on self, speak up!

"Sige na, hija. I have things to do. Spend time with your friends." Ngiti saakin ng lolo ni Daniel.

Napanganga na lang ako nang kurutin niya ako sa pisngi. Wala akong nagawa kundi pagmasdan lang siyang naglalakad palayo saamin.

"Don't mind what my Lolo said. Let's go." Naalarma ako nang hawakan ako bigla ni Daniel sa kamay saka hinigit papunta sa may pool area.

"Daniel. Ano yung sinasabi ng lolo mo na fiancé--"

"I'll explain it later, Mikaela. For now, let's just enjoy this day." Pagputol niya saakin.

Magsasalita pa sana ako kaso mabilis na nakasunod saamin ang mga kasamahan. Pwera lang kay Alyzza, mukhang walang maipipintang gulat sa mukha ng iba.

"I can't believe this. Paanong naging--"

"Alyzza." Pigil ni Terry kay Alyzza. Pinandilatan niya ito ng mata. Gusto pa sanang magsalita ni Alyzza pero naitikom na lang niya ang bibig niya nang malingunan niya si Daniel.

"Mukhang inaakit ako ng tubig, ah. Ligo na tayo guys. Tama na muna yang fiancé fiancé na 'yan." Nakangiting lingon saamin ni David.

Mabilis siyang inakbayan ni Vince saka tinulak sa pool.

"Kahit kailan talaga." Naiiling na sabi ni Terry.

"Ah!" Napatili ako nang bigla akong buhatin ni Daniel.

"This is exciting, Mikaela." Nginitian niya ako saka kininditan. Naglakad siya malapit sa may pool habang buhat-buhat niya ako na parang bagong kasal.

"Ibaba mo 'ko!" Napahigpit ang kapit ko sa leeg niya nang nagkunwareng ihuhulog niya ako sa pool.

"Wala akong pamalit, Daniel. Isa!" Tinawanan niya lang ako at hindi ininda ang pagkurot ko sa leeg niya.

"Isa na talaga, Daniel!" Mas lalo ko pang diniinan ang kurot ko sa kaniya nang binaba pa niya lalo ako palapit sa may tubig.

"Ah!" Napatili na lang ulit ako nang may tumulak saamin pareho.

Bumuga ako ng hangin nang maiahon ko ang ulo ko sa tubig. Napakapit ako sa balikat ni Daniel pagkabukas pa lang ng mata ko.

Ang lamig!

Sinamaan ko ng tingin si Isze nang makita kong tinatawanan niya kami.

"So ikaw ang tumulak saamin?!" Kung nakakamatay lang tingin, I swear to god, kanina pa 'to nakahandusay sa sahig.

"Sorry." Tanging peace sign lang ang sinagot niya saakin. Bwesit!

Mabilis siyang nakaiwas nang wisikan ko siya ng tubig. Shit! Natatawa siyang tumalikod saka lumapit sa nagkakatuwaan naming mga kasama.

"Mangtutulak na nga lang, 'di pa ako pinahanda. Tsk!"

"Whoa." Napaatras ako nang kaunti nang biglang humarap saakin si Daniel. Nakalimutan kong nandito pa pala siya. Muntikan na naman akong mahalikan.

"Stay still." Pigil niya sa kamay ko nang aalisin ko na sana ang pagkakakapit ko sa kaniya.

Sobrang lapit na ng katawan namin sa isa't isa. Napakagat ako ng sarili kong labi nang ibaba niya ang kamay niya at napunta ito sa balakang ko.

STUCK BETWEEN TWO BLUE-HAIRED GUYS ( #wattys2020 ) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon