BLUE-HAIRED TWENTY FIVE

383 45 0
                                    

GOOD DAY

Baby Mikaela's Point Of View


"Classmate?! Really Daniel?"

"Yeah, classmate. That's all." He said lazily. Aba't!

"Halika nga dito!" Sapilitan kong tinanggal ang nakapulupot na kamay ni bruha sa kaniya saka ko siya hinila palapit saakin.

"Hey! Saan mo siya dadalhin?!" Awat ni Turon na hinawakan ang isang kamay ni Daniel. Agad ko itong binawi sa kaniya saka ko siya tiningnan ng masama.

"To the Hell. Back off." I rolled my eyes.

Hindi ko na siya hinintay pang umangal ulit at mabilis kong hinila si Daniel palayo sa kaniya.

"Bitch!" Rinig kong sigaw ni Turon bago pa kami makalayo sa kaniya.

Hindi ko na siya nilingon pa at tuloy lang ako sa paghila kay Daniel. Good thing at 'di siya nagrereklamo.

Tumigil kami sa labas ng tambayan. Seryoso pa rin ang mukha niya at mukhang bored na bored na nang harapin ko siya.

"Magpaliwanag ka." I said, trying to control my temper. God knows kung ilang pagpipigil ang ginagawa ko lalo na ngayong tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Explain about something?" He asked casually. Ugh!

"About everything, Daniel. Kung bakit mo sinunog ang room natin. Kung bakit 'di ka daw umuwi buong gabi. Kung bakit may turon na naman at kung bakit classmate mo lang ako. Everything, Daniel! Lahat na." There. I exploded.

Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib ko habang siya ay gano'n pa rin ang hitsura niya, kalmado.

"Sagutin mo lahat 'yon!" I exclaimed.

Mabilis niyang nahuli ang kamay ko na dapat sana ay isusuntok ko sa balikat niya.

"Don't you think you should explain first?" Kalmado pa rin niyang saad, hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko. "Explain, Mikaela." Napangiwi ako nang mas lalo pa niyang higpitan ito.

Napangiwi ako nang padabog niyang binitawan ang kamay ko. Napahawak ako dito at nakita ko ang pamumula nito. Ghad!

"I'm sorry," he uttered. Mabilis kong tinago sa likod ko ang kamay ko nang hahawakan sana niya ito. "Fine!"

Anak ng! Tinalikuran niya ako at pumasok sa tambayan. Nagmadali akong sundan siya. Mabuti na lang at 'di niya nilock ang pintuan.

Naupo ako sa may sofa. Mukhang wala dito ang apat.

Napaayos ako ng upo nang makita ko siyang lumabas galing sa kwarto. Dala niya ang. . Anong--?!

"There!" Nilapag niya sa mesa ang Love letter ko na inangkin niya kasama yung cellphone ko na ngayon ay maayos na.

"Akala ko ba tinapon mo na ito?" Pakita ko sa kaniya ng phone ko na dinampot ko sa mesa. "At mukhang ayos pa siya ngayon." I said after I pressed the power button.

"Were done now. Leave." Tinalikuran niya ako at pumasok ulit sa kwarto. Napaigtad ako sa lakas ng pagkakasarado niya ng pintuan.

Tumayo ako dala-dala ang gamit ko saka ko siya sinundan. Natigil ako nang 'di ko mabuksan ang pintuan. He locked it.

"Daniel," kumatok ako. "Hindi ito ang kailangan ko."

Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan. Wala akong ingay na naririnig galing sa loob. Tinulugan ba niya ako?

"Open this." Usal ko. Wala pa rin akong marinig kahit kaluskos man lang.

"Maghihintay ako dito." I said before I turn back to the sofa.

STUCK BETWEEN TWO BLUE-HAIRED GUYS ( #wattys2020 ) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon