BLUE-HAIRED THIRTY THREE

339 43 2
                                    

BLACK ROSE

"Let's go, Daniel."

Mabilis kong hinawakan ang kamay niya pagkalabas ko pa lang ng pintuan.

"Why in a hurry? What's wrong?" Naguguluhan siyang nakatingin saakin.

"Basta!" Iling ko. Hinila ko na siya nang pilit niyang sinisilip ang loob ng banyo.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang nakabalik na kami sa upuan namin.

Bwesit kang Raven ka! May araw ka rin saakin.

"Did something happen inside the cr?"  Kunot-noong bulong saakin ni Daniel. "You look pale and..." I shifted my gaze in my hand as he held it. "..Nervous." Balik niyang tingin sa mata ko.

Mabilis ko siyang inilingan saka pilit kong pinakalma ang sarili ko bago ko siya ngitian.

"May nakita lang akong palaka sa loob ng cr. Natakot lang ako."

Sinubukan kong huwag ipahalata ang kasinungalingan ko. Mukhang nakombinsi ko naman siya.

Hindi pa 'to ang tamang oras para sabihin sa kaniya ang tungkol sa Raven na iyon. Not in this kind of program.

"Hindi ka nakagat?" He sounded so worried.

Okay. This scene seems so familiar to me.

"Na," iling ko. "Hindi naman 'yon nangangagat," ngiti ko sa kaniya."Natakot lang talaga ako."

"Ow. Okay."

Halata pa rin sa mukha niya ang pag-aalinlangan pero sa huli, tinanguhan niya lang din ako.

I was busy wiggling my eyes around when I heard Miss Pres' voice in front. Hindi ko na muna ito pinansin at pinagpatuloy ko ang paglibot ng aking mata sa paligid.

Nasisiguro kong nandito lang sa paligid ang Raven na 'yon.

"Who are you looking at?"

Nabaling ang tingin ko kay Daniel nang magtanong siya. Kunot-noo siyang nakatingin saakin na para bang ang weird na nang kinikilos ko.

Mukhang kating-kati na siyang magtanong saakin. Paano kaya kung itanong ko sa kaniya kung may kilala ba siyang Raven?

Right. Itatanong lang naman.

"May kilala ka bang Rav--"

"PRINCE OF SEDUCTION!"

Hindi ko na natuloy ang tanong ko sa biglaang pagtaas ng tili ng lahat. Sabay kami ni Daniel na napatingin sa harap.

"Oh my god!" Napatili na lang din ako nang makita ko ang grupo nina Jack sa harap.

"Sasayaw sila?" Nakangiti kong lingon kay Daniel.

Napaismid na lang ako nang malingunan ko ang hitsura niya. Mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa binibigay niyang reaksyon.

"Ang kj kahit kailan." I murmured.

Binalik ko na lang ang atensyon ko sa harap. Napasigaw na rin ako nang lumakas na ang hiyawan ng lahat. Sasayaw nga sila!

"GO BABY HUNTER!" Nakaagaw ng pansin ang sigaw ni Alyzza.

Muntik na akong matawa nang makita kong may hawak siyang malaking banner. Banner na may mukha ng pito. Kinareer ang pagigng fangirl, haha.

Muling nagsigawan ang lahat nang magsimula na tumutog ang music.

The Princes turned their back when the music started playing. Pumapagitna sa kanilang lahat si Jack. Kapansin-pansin ang kulay asul niyang buhok.

Are they planning to cover BTS' Boy with Luv? Wow!

STUCK BETWEEN TWO BLUE-HAIRED GUYS ( #wattys2020 ) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon