BLUE-HAIRED THIRTY SIX

348 45 0
                                    

FLASHBACK





Raven's Point of View






"You have Coronary heart desease, Mister Cruz." Said our family doctor.

Blangko ang aking mukha habang nakatungangang nakatingin sa kaniya. Nagbibingi-bingihan. Ayaw marinig ang alinman sa susunod niya pang sasabihin.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga saka ko siya hinarap.

"I'm leaving. Don't tell this to my parents."

He seemed skeptical but did nothing when I came out to my room. I went straight to my car and took out my phone. Walang ibang pumasok sa utak ko kundi ang tawagan ang nag-iisa kong kaibigan, si Daniel.

I was overjoyed when I saw a message from him, but the smile on my lips disappeared as soon as I read it.

He left me too. He left me just like what my parents did.

Bumalik ako sa bahay saka dumiretso ulit sa kwarto ko. Akala ko madadatnan ko ang iniwan kong si doc, pero blangkong kwarto ang bumungad saakin.

Unti-unti kong naramdaman ang kanina ko pang pinipigilan na lungkot.

Naramdaman ko na naman ang pagiging mapag-isa. Walang karamay, tanging sarili ko lamang.

Lumapit ako sa drawer ko at dumampot ng isang kahang sigarilyo pati na rin ang lighter ko. I took one stick then lit it.

Simula sa araw na ito, gagawin ko na ang gusto ko. Wala na akong pakialam sa bawal. I want to live freely. No worries and no one cares.

Kung mamamatay ako, eh, 'di mamamatay.

I packed all my belongings the next day. Napagdesisyunan kong sundan ang nag-iisang taong may malasakit saakin. Pupunta ako sa mindanao.

Gusto kong gawin lahat ng gusto ko, pero kasama dapat siya.

Pinili kong 'wag gamitin ang kotse ko o alinman sa mga nakaparadang kotse namin. Tulad nga ng plano ko, gusto kong mamuhay ng malaya, at kasali na do'n ang mamuhay ng normal.

Bitbit ang 'di kalakihang malita ko, sumakay ako ng bus papuntang terminal. Saglit akong napangiwi pagkakita ko pa lang sa nag-uunahang mga pasahero, subalit agad din akong napangiti kalaunan.

Parte din pala ito ng kagustuhan ko. Kagustuhan kong mamuhay ng normal. I have to deal with this.

Sa may pinakadulo ako naupo. Ipipikit ko na sana ang mata ko para umidlip saglit ngunit may kumalabit saakin.

"Mani ho." Alay saakin ng batang nagtitinda ng mani.

Sinenyasan ko ang bata na maghintay muna habang kumakapa ako ng barya sa bulsa ko.

"Limang piso ho isang supot, kuyang gwapo." Pagpapacute niya saakin.

Sorry kid, but I'm not in my luxurious life now.

Nakangisi kong iniabot ang limang piso. Busangot ang mukha niyang inabot saakin ang isang supot na mani.

"Kuripot." Bulong ng bata bago ako tinalikuran at lumipat sa kabilang upuan.

Pasensya ka. Parte na rin 'to nang pagbabagong buhay ko.

It took thirty minutes when I got to the terminal. Nakangiti akong bumaba at agad kumuha ng madaliang ticket.

Pagkalapag pa lang ng eroplano ay mabilis kong kinuha ang malita ko. Sumakay ako ng taxi papunta sa nirentahan kong dormitory pagkatapos.

"This is the beginning of your normal life Raven. Kalimutan mo na ang naiwan mong buhay sa manila." Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa masikip kong silid.

STUCK BETWEEN TWO BLUE-HAIRED GUYS ( #wattys2020 ) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon