BLUE-HAIRED TEN

555 70 0
                                    

PLAYBOY


Lumapit ako kay Daniel pagkatapos kong bayaran ang tsaa ko.

Gano'n pa rin ang posisyon niya, nakapamulsang nakatayo habang nakatingin saakin na tila aliw na aliw.

"What are you doing here?" I gritted my teeth in anger.  "And don't ever say it's coincidence cause I won't buy that stupid excuse!" Hindi ko na naiwasang sumigaw.

Nakakainis naman kasi, eh. Lagi siyang sumusulpot kapag kasama ko si Jack at ang masama pa doon, naninira pa ng moments. Sinong hindi magagalit? Bwesit.

"Magsalita ka." Tulak ko sa balikat niya.

Nginisian niya lang ako habang iniiling ang ulo. Hindi ko na natiis kaya hinila ko na siya palayo sa lugar. Tumigil kami nang nasa gilid na kami ng elevator.

"Ano?!" Baling ko sa kaniya.

He shook his head and smirked.

"I don't know if you are plain stupid or just really stupid."

"Hindi ako stupid!" Sigaw ko sa kaniya bago pumasok sa elevator nang saktong bumukas ito.

I pressed the last floor. Good thing, hindi siya sumunod.

Kahit gusto ko pang manatili at magliwaliw pero kung makikita't makikita ko lang ang pagmumukha niya, 'wag na lang.

I'd rather feel alone in our house than seeing him grinning. Mababadtrip lang ako sa mokong na 'yon.

I took my phone and texted manong as I got down to the parking lot.

Nagpahinga muna ako ng ilang minuto pagkarating ko sa bahay, bago 'ko naisipang maligo. Bumaba ako pagkatapos para magmeryenda. Sa may balkonahe ako tumambay habang nilalantakan ang hinanda ni Yaya.

Gusto ko munang libangin ang sarili habang wala pa ang make-up artist ko. Total, mamaya pa naman ang dating niya.

Sinimoy ko ang sariwang hangin nang mapatingin ako sa gate. Sobrang nakakaginhawa lang sa pakiramdam na nakaupo ako ngayon sa may balkonahe habang tinatanaw ko ang mga palayan sa harapan.

Mabuti na lang at naisipan nina Mommy magpatayo dito ng bahay. Sayang lang kasi wala pa akong naging kaibigan dito. Hay.

Bigla ko tuloy na-miss ang mga naiwan kong kaibigan sa manila.

Kamusta na kaya ang tatlong 'yon? Hindi na ako kinontak, ah. Masyado ba silang busy kaya hindi na ako nagawang kamustahin?

Ano na kaya buhay nila ngayon? I badly missed the three. I miss Mary, Singkit at yung pinakagago, si Cindy.

Sobrang nakakamiss kabaliwan nila. Maybe, I should visit them this summer.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang may pumaradang pamilyar na kulay asul na sports car sa tapat ng aming gate.

Kusang sumilay ang ngisi sa aking labi nang makompirma kong si Daniel ito.

This is exciting.

Uminom ako nang tinimplang juice ni Yaya habang hinihintay ko ang susunod na mangyayari.

Naibaba ko ang baso ko saka humalakhak nang makita ko ang pagharang ni Manong guard sa kotse niya.

"Papunta ka pa lang Daniel, nakapagplano na ako at 'yon ay ang 'wag kang papasukin sa bahay." Ngisi ko sa kawalan.

Lumabas siya sa kaniyang kotse saka sinandal ang likod niya doon.

Inaakala kong hindi siya si Daniel dahil sa suot nitong puting beret na tinernuhan din niya ng puting suit, ngunit agad ko din nakompirma na siya nga talaga nang malayo pa lang ang kita ko na ang itim na awrang bumabalot sa kaniya.

STUCK BETWEEN TWO BLUE-HAIRED GUYS ( #wattys2020 ) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon