BLUE-HAIRED SEVEN

564 68 0
                                    

PLAN FAILED

Pinag-isipan kong mabuti ang suhestiyon saakin ni Alyzza.

I mean, Love Letter? At this age, may naggaganyan pa ba?

Kung siguro nasa unang panahon pa kami ay ayos lang na gumanyan-ganyan, kaso nasa makabagong henerasyon na tayo, eh. There are many options for delivering messages. Sa social media pa lang, tiba-tiba na.

But, on the other hand, gusto ko rin ang ideyang ito. Bukod sa mapaglalaanan mo nang malaking effort, eh, appreciable nga talaga. Ang inaalala ko lang naman ay baka ma-cornyhan si Jack. Baka imbes na pumayag maging date ko, eh, mas lalong madehado pa. Bahala na.

I opened my laptop and tried to search to the internet, magbabakasaling may makuhang ibang matinong ideya. But unfortunately, I didn't get any.

Sign na ba 'to na kailangan ko nang magtiwala sa opinyon ng kaibigan ko?

Hays. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko. Tama! Ayos lang sigurong gumawa.

If Jack didn't like it, then don't. Atleast, I tried and I was sincere while doing it. Nasa kaniya na 'yon kung bibigyang halaga niya ito.

Tatawagan ko na sana si Alyzza kaso naalala ko, wala nga pala akong cellphone.

Bwesit na Daniel! Hindi na nagpakita mula nang sinabi kong isusumbong ko siya sa principal office. Ilang araw nang 'di pumasok, kasama mga alipores niya. Baka natakot nga siguro sa banta ko.

As if magsusumbong ako sa principal. Ano ako bata? Hibang na siya.

Nag-half bath muna ako nang walang pumapasok na magandang disenyo sa utak ko. Pagkatapos ay inipon ko lahat ng kakailanganing materials saka ko dinala sa study table ko.

I decided to make a hand-made Love Letter.

I cut first the shimmering cream card that I took from my mommy's staff into 5.9 x 4.1 inches then I pasted a red satin heart I tore from my poor staffed toy. After that, I drew a short line below it.

Gamit ang isang itim na papel, ginupit ko ito para makabuo ng maliit na eroplano saka ko idinikit sa dulo ng linya.

At the bottom of the line, I wrote my dedication using my black sign pen.

At the back of card which I decided not to put any decor, I wrote my messages to him using various colored ball pen. Mabuti na lang at may maganda akong penmanship.

Using my coloring pen, I wrote "Good day Jack!" as my my greetings, then a black sign pen for the body which I also wrote a simple one paragraph message in which I said, 'I want him to be my date  for this upcoming Acquiantance Party, This Wednesday.'

Nang matapos ko na, nilagay ko ito sa loob ng isang red envelope.

Napapangiti ako habang pinagmamasdan ko ang finished product ko. I'll take this as one of my biggest achievement.

Alas dos na ng madaling araw ko itong natapos. Nag-browse muna ako saglit sa facebook account ko bago naisipang matulog.

Hindi ko alam paano ako nagising nang maaga kahit late na no'ng natulog ako. Wala pang masyadong estudyante nang dumating ako.

Ngayong araw ko planong ibigay kay Jack ang gawa ko, at magpapasama ako kay Alyzza. Kaso ang bruha, mukhang hindi ata papasok.

Tapos na kasi ang flag ceremony at wala pa rin siya. Hindi pa naman niya ugaling magpa-late o 'di kaya ay mag-absent.

Well, kung aabsent man siya ngayon, siguradong-sigurado akong dahil sa susuotin niya para sa acquiantance. Knowing her? Sigurado na ako.

Lunch break na at wala na talagang dumating na Alyzza, so I decided to do it, alone. I chose not to take a tricycle while I was headed to Jack's building, so I have time to prepare.

STUCK BETWEEN TWO BLUE-HAIRED GUYS ( #wattys2020 ) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon