BLUE-HAIRED THIRTY NINE

367 42 1
                                    

SIBLING




I still don't know how I managed to get myself to go to S.P University. Basta ang alam ko lang nasa loob na ako ng Administration office. Lutang na ipinapasa lahat ng papeles ko.

I went straight to the cashier and payed all my expenses here. Gusto ko pa sanang maglibot sa campus kaso parang hindi na magandang ideya iyon. So, I decided to go home as soon as I enrolled. Diretsong natulog hanggang mag-umaga.

Kinabukasan, sakit ng ulo ang sumalubong saakin. Iyon bang unti-unting binibiyak bungo ko sa sobrang sakit. Isama mo pa ang pananakit ng tiyan ko ngayon. Bwesit. Nakaligtaan kong kumain mula kagabi.

Dahil nawala na ako sa mood, minabuti ko na lang na huwag na muna pumasok ngayon. Siguro naman, ayos lang kung m
umabsent ako ngayon. Unang araw pa lang naman, eh, tapos wala pa akong mga gamit sa school. Hays.

Bumaba ako at 'di na pinatagal pa ang sakit. Uminom ako ng paracetamol pagkatapos kong mag-agahan.

Tamad na tamad akong naligo nang bumuti na ang pakiramdamdam ko.

I chose to wear my black ZSIIBO Offshoulder backless. Binili saakin 'to ni Jack no'ng huling shopping namin.

Kung may isa pa akong gusto kay Jack, 'yon ay ang pagiging masabay niya sa lahat. Kung ang ibang lalaki ay ayaw nilang nakikita ang iniingatan nilang babae na nagsususuot ng masisikip na damit, iba siya sa kanila.

Lagi niya akong pinapabayaan sa ginagawa ko, kahit alam kong nasasaktan na siya minsan. Tudo suporta lang siya at hindi ko kailanman nakita ang pagkadismaya niya saakin.

Pathetic right? Yes. I was so pathetic back then.

Ni hindi ko man lang inalala ang pwedeng maramdaman niya. Nakikipaghalikan ako sa kung sinumang lalaking maispatan ko sa bar, tapos ang ending magpapasundo ako sa kaniya habang akay-akay ako ng ibang lalaki.

Saksi siya sa lahat ng kabalastugan ko sa manila. That's why I don't deserved him. Patuloy ko lang siyang sasaktan.

Kaya nga, laking pasasalamat ko na lang sa hindi niya pakikipag-ugnayan saakin magmula no'ng umuwi ako dito. At sana, ituloy-tuloy na niya 'yon.
Hindi lang naman para saakin 'to, eh, para rin ito sa ikakabuti niya.

Patuloy lang siyang masasaktan kung 'di ko pa pinitol ang kung anumang mayro'n kami. He deserves way way better than me. At alam kong darating din ang babaeng 'yon sa buhay niya balang araw.

Nakataas ang noo kong naglalakad patungong school supply. Ganito na talaga ako, parang may sasalihang beauty contest kung maglakad. Nakasanayan ko na rin.

Una akong lumapit sa may lagayan ng mga ballpen. Inaaliw ang sarili sa patingin-tingin. I want the best ballpen for my oh so cute penmanship.

Sunod akong pumunta sa may book session. Dito talaga ako mahihirapan. Hanggang ngayon kasi, wala talaga akong alam sa libro.

"Kung kasama ko lang sana si Aly--"

"Aw!"

Kinabahan ako nang may dumaing sa gilid ko. Siguro lutang pa ako kaya hindi ko napansin na may naapakan na pala akong babae.

"I'm so--Alyzza!"

Gulat na gulat akong napatingin sa nagmamay-ari ng paang naapakan ko. Gano'n di siya saakin.

"Shit. Ikaw nga!" Tili ko nang mamukhaan ko siya. "Akala ko namalik-mata lang ako."

Hindi ko agad siya nakilala sa ayos niya. Tulad ko, mukha na siyang babaeng-babae. Sobrang sikip ng damit at lantad na lantad ang hubog ng kaniyang katawan.

STUCK BETWEEN TWO BLUE-HAIRED GUYS ( #wattys2020 ) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon