BLUE-HAIRED SIXTEEN

466 60 0
                                    


PALAKA


Buong araw nang nakabusangot ang mukha ko, kahit no'ng nag-lunch kami ni Alyzza sa canteen. Niyaya pa kami nina David na doon na lang kami sa hideout nila, pero si Alyzza na ang tumanggi. Nahalata ata niya ang mood ko.

"Gustuhin ko man na magkwento ka saakin pero hindi ko na muna ipipilit."

"Shh!" Saway ko sa kaniya habang nasa harap pa rin ang tingin ko.

Nasa kalagitnaan kasi kami ng klase. Ayaw ko nang mapalabas ulit.

Nag-okay sign siya saakin at nagpokus na lang din sa pakikinig. Naging gano'n na lang ang ayos namin hanggang sa last period.

"Matulog ka na muna. Gigisingin na lang kita mamaya." Bilin niya saakin pagkarating namin sa dorm.

Tinanguhan ko siya matapos kong ilagay sa tabi ang bag ko. Hinulog ko ang sarili ko sa kama saka humilata.

Pakiramdam ko, sobrang napagod ako ngayong araw kahit wala naman kaming masyadong ginawa.

Kailangan kong gumawa ng paraan. Ayaw kong tuluyan na akong masiraan ng bait dahil lang sa magkapatid na 'yon.

This is unhealthy anymore.

Alas syete na ng gabi nang gisingin ako ni Alyzza. Bumalik na sa sigla ang katawan ko at umaliwalas na rin ang pakiramdam ko. Iba talaga kapag nakatulog ka nang mahimbing.

Naghapunan na muna kami bago magbihis. Ang bilin ko kasi sa kaniya, kailangan mga alas otso ay bihis na kami. Tulog na rin siguro ang management sa mga oras na 'yan kaya safe kami.

Isa pa, kung magkahulihan man, si Daniel na ang bahala. Para saan pa ang pagiging may-ari nila ng school kung wala din pala siyang maitutulong saamin.

I took my phone and dial his number. Hindi ko siya na-inform tungkol dito dahil buong araw ko siyang hindi nakita magmula nang huli naming pag-uusap no'ng umaga.

Don't tell me dinamdam niya ang pangbabasted ko sa kanya? 'Di bagay!

"Hello." Sagot niya sa kabilang linya.

"Where are you?"

Narinig ko ang pagsinghal niya. Parang nai-imagine ko tuloy ang pagngisi niya.

"Miss me already?"

"I need your help. Makikinabang ka din naman dito." Diretso kong sabi, not minding what he said.

"Spill it."

"Samahan mo kaming manguha ng palaka."

"Ow, that.." parang nakuha na niya ang punto ko. "..Okay."

I ended the call right after he agreed.

Totoo naman kasi na makikinabang siya dito. Bukod sa may kasama pa siyang mangunguha ng palaka, eh, dagdag pogi points na rin 'to saakin.

Hindi naman sa pinapayagan ko na siyang manligaw, pero tulad nga nang sinabi niya, hindi niya hinihingi ang approval ko. So why not use it para may silbi naman, diba?

Hindi ko na kailangan pang makonsensya pa dahil hindi rin naman maganda ang ginagawa niya. He's a cheater and so he deserves this.

"Oh," abot saakin ni Alyzza ng medical glove. "Magagamit natin 'yan."

Mabuti na lang at madami kaming biniling stocks nito.

"Thank you."

Maingat kaming naglakad sa corridor. Palingon-lingon na baka may makakita saamin. Natawa na lang kami nang may nagsipaglabasan din na mga estudyante sa kani-kanilang kwarto. Manghuhuli din ata ng palaka.

STUCK BETWEEN TWO BLUE-HAIRED GUYS ( #wattys2020 ) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon